У нас вы можете посмотреть бесплатно AKLAT NG JOSUE - KOMPLETONG KASULATAN или скачать в максимальном доступном качестве, видео которое было загружено на ютуб. Для загрузки выберите вариант из формы ниже:
Если кнопки скачивания не
загрузились
НАЖМИТЕ ЗДЕСЬ или обновите страницу
Если возникают проблемы со скачиванием видео, пожалуйста напишите в поддержку по адресу внизу
страницы.
Спасибо за использование сервиса ClipSaver.ru
#SalitaNgDios #GodSword #ReadScriptures #AKLATNGJOSUE AKLAT NG JOSUE Panimula Pagkalipas ng mahabang panahon ng paglalakbay sa ilang, dumating din ang kapahintulutan upang sakupin ng mga Israelita ang Lupang Pangako. Ang aklat ni Josue ay kasaysayan ng pagsakop. Sa aklat na ito ay ipinapakita ang Diyos bilang matapat na Diyos ng isang bayan at isang Diyos ng pakikipagdigma. Ang salaysay ay nagsisimula sa pagtawid sa Ilog Jordan at sa madugong pagsakop sa Jerico (kabanata 1-6). Pagkatapos, isinalaysay din kung paanong ang hukbong Hebreo ay nagpatuloy mula sa Libis ng Jordan hanggang sa mabundok na lugar upang sakupin ang Ai (kabanata 7-8) at, sa pamamagitan ng isang katawa-tawang pandaraya ay naging mga kaalyado ng mga Gibeonita (kabanata 9). Ito ay sinundan ng isang malaking digmaan laban sa mga pinuno ng limang iba pang mga bayan ng Canaan, at ang pagsakop sa Katimugan (kabanata 10). Ang huling pakikipaglaban sa timog ay nagbunga ng ganap na pagkawasak ng kapangyarihan ng mga Cananeo sa Palestina (kabanata 11). Kasunod ng maikling buod ng mga tagumpay ni Josue (kabanata 12), inilarawan ng aklat ang pagpapamahagi ng lupain sa mga lipi (kabanata 13-23), at kung paanong nakipagtipan ang Israel upang paglingkuran magpakailanman ang Diyos na nagpakita ng kanyang kapangyarihan sa kahanga-hangang paraan (kabanata 24). Para sa mga sumunod na salinlahi ng mga Hebreo, gayundin sa mga kasalukuyang mambabasa, ang pangunahing kahalagahan ng aklat ay hindi pangkasaysayan kundi pangpananampalataya. Ang aklat ay isang buhay na saksi sa pananampalataya ng Israel sa Diyos na nagnanais itatag ang kanyang paghahari sa lupa, at kanyang tinatawagan ang kanyang bayan na makibahagi sa tagumpay ng kanyang kaharian sa pamamagitan ng pagtanggap sa tipan na kanyang inaalok sa kanila. PLEASE SUBSCRIBE TO OUR CHANNEL... GOD BLES YOU ALL...