У нас вы можете посмотреть бесплатно Gusto Ko Nang Sumuko - Astrild Lee Littérateur (Angela Grace) или скачать в максимальном доступном качестве, видео которое было загружено на ютуб. Для загрузки выберите вариант из формы ниже:
Если кнопки скачивания не
загрузились
НАЖМИТЕ ЗДЕСЬ или обновите страницу
Если возникают проблемы со скачиванием видео, пожалуйста напишите в поддержку по адресу внизу
страницы.
Спасибо за использование сервиса ClipSaver.ru
#spokenwordpoetry #tagalogspokenwordpoetry Isang tula ng pag-ibig na nauupos—mga lihim na luha, pagod na puso, at ang mahirap na desisyon na bitawan ang isang minamahal. Kung naranasan mo na ang pag-ibig na unti-unting nawawala at ang lakas na kailangan para magpaalam, makikilala mo ang bawat linya rito. Gusto Ko Nang Sumuko 🪶 Isinulat at Isinatinig ni Astrild Lee Littérateur Mahirap pala magmahal. Daig ko pa ang isang hangal. Hinangaan kita… umibig ako sa’yo. At noong naging tayo—akala ko, buo na ako. Pero lumipas ang panahon, tila ikaw ay nagbago. Ang dami mo nang hindi gusto sakin. Unti-unti… unti-unti mong binabago ang aking katauhan. Ang pagiging tunay na ako ba’y 0 kasalanan? Hindi ba dapat, sinusuportahan natin ang isa’t isa? Ako—lagi kong nasa tabi mo, nakasuporta. Ngunit bakit, pagdating sa akin, parang hindi mo magawa? Para bang… wala na akong tamang nagagawa. Ang hirap mong intindihin. Lahat ng kilos ko, alanganin. Ang kabutihan ko sa iba, sa’yo’y may ibang kahulugan. Masama bang kilalanin nila ang sarili kong kakayahan? Paninibugho—dapat may hangganan, dapat nasa lugar. Pero ako… hindi ko na alam kung saan ako lulugar. At sa kabila ng lahat, nandito pa rin ako, nagmamahal. Pero masakit man sa dibdib… gusto ko nang isuko ang pagmamahal. Para akong kandilang nauupos sa dilim. Nagbigay ako ng liwanag… subalit tanglaw ko'y dahan-dahan naglalaho rin. Sa bawat luha, pilit akong kumakapit, ngunit sa dulo—ako lang, ako lang ang naiiwan na nakasabit. Ako'y bangka sa gitna ng unos. Hinahanap ko ang pampang, na sana’y ikaw, ikaw ang mayakap. Pero ang mga mata mo… wala nang saysay. Hindi na ako ang iyongtahanan na gusto mong balik-balikan. At kahit naririnig ko pa rin ang sigaw ng puso ko, na sana, kaya pang ayusin ang binuo nating mundo… Habang lumalaban ako, ikaw nama’y lumalayo. Sa paghakbang mo ay dinudurog ang puso ko. Kaya siguro, panahon na para manahimik. Lilisanin ko na ang mundong sabay nating binuo… ng tahimik. At hahayaan kitang hanapin ang ligaya mo, doon—sa taong iikot lang ang mundo sa’yo. Hindi sa akin… kundi sa iba. At ako? Ako ang susuko. Hindi dahil mahina ako— kundi dahil minsan, ang tunay na pagmamahal… ay ang bitawan ang minamahal. GUSTO KO NA SUMUKO..... PERO UMAASA PA AKO... NGUNIT TILA WALA NA AKONG AASAHAN PA...