У нас вы можете посмотреть бесплатно Sabi Ni Lola by Ian Quiruz | Musiko Season 3 или скачать в максимальном доступном качестве, видео которое было загружено на ютуб. Для загрузки выберите вариант из формы ниже:
Если кнопки скачивания не
загрузились
НАЖМИТЕ ЗДЕСЬ или обновите страницу
Если возникают проблемы со скачиванием видео, пожалуйста напишите в поддержку по адресу внизу
страницы.
Спасибо за использование сервиса ClipSaver.ru
Marami ang namulat hindi lang sa pagmamahal ng mga magulang kundi lumaki rin sa pag-aaruga at pagkalinga ng mga lolo at lola. Sana ay yakapin ka nang mahigpit ng MusiKo na ito kapag namimiss mo sila. Sabi ni Lola By Ian Quiruz Sabi Ni Lola Sabi ni lola di nagtatagal Ang buhay natin ay maikli lang Lahat ng gagawi’y ating ituwid Pagkat sa Diyos ipagsusulit. Sabi ni lola, Diyos ang gagabay Sa magulong ikot ng ating buhay Kung madapa tayo, iaabot, Kaniyang kamay Kung masugatan, lunas Kaniyang ibibigay. “Huwag mo nang sasayangin ang bawat segundo Oras ay di humihinto't lahat ay nagbabago Sana'y palarin na aking masilayang Magningning kang gaya ng bituin.” Sabi ni lola, malalaman mo rin Sa pag-unlad may nagbabago ng mithiin Kung kalooban ng Diyos ang susundin Sa pagtanda'y masaya ang damdamin. Sabi ni lola aking tularan Ang pagmamahal nina nanay at tatay. Saan man ipadpad ng aking kapalaran Di maliligaw dahil Diyos ang gabay. “O apo, nais kong ikaw ay magtagumpay Ang patutunguhan mo ay bunga ng iyong sikap Sana'y palarin pa na aking masilayang Magningning kang gaya ng bituin.” "Sana'y palarin pa na aking masilayang Magningning kang gaya ng bituin.” Sabi ni lola di nagtatagal Ang buhay natin ay maikli lang Lahat ng gagawi’y ating ituwid Pagkat sa Diyos ipagsusulit. “O apo, nais kong ikaw ay magtagumpay Ang patutunguhan mo ay bunga ng iyong sikap Sana'y palarin pa na aking masilayang Magningning kang gaya ng bituin.” "Sana'y palarin pa na aking masilayang Magningning kang gaya ng bituin.” Coda “At kung di man palaring ningning mo ay masilayan, Panatag akong lilisan, tiwalang mga pangarap mo ay makakamtan.” CREDITS Band Vocals & Guitar: Ian Quiruz Backup Vocals & Tambourine: Amiel Sampang Backup Vocals & Shaker: Kim Nacpil Guitar: Michael Timbang Acoustic Bass: Kier Dizon Flute: AJ Miko Galamay Beatbox & Chimes: Ronel Pineda Musical Arranger: Eljohn Rivero Animator & Graphic Artist: Julius Catudio