У нас вы можете посмотреть бесплатно 4th Impact, nagbabalik sa It's Showtime | It's Showtime | December 15, 2025 или скачать в максимальном доступном качестве, видео которое было загружено на ютуб. Для загрузки выберите вариант из формы ниже:
Если кнопки скачивания не
загрузились
НАЖМИТЕ ЗДЕСЬ или обновите страницу
Если возникают проблемы со скачиванием видео, пожалуйста напишите в поддержку по адресу внизу
страницы.
Спасибо за использование сервиса ClipSaver.ru
Gawing merry ang Monday dahil Pasko na next week! Nakapag-Christmas party na ba ang lahat? Kung may performance na pinaghahandaan, make sure na may impact 'yan! Parang kantahan kasama ang ating bisita, ang 4th Impact. It's a sister act with Almira, Irene, Mylene, and Celina, na nag-celebrate ng birthday sa "It's Showtime." Welcome sa SMP club o Samahan ng mga Malalamig ang Pasko. Huwag mag-aalala, dahil dito sa "It's Showtime," gagawin nating SMPP 'yan, o Samahan ng May Pinakamasayang Pasko. Lonely man ang mga puso, todo-smile pa rin papasok ng "Laro Laro Pick" game arena ang mga players na Team Single ngayong December. Pangalan at ganda niya'y kahila-halina, pero si Rosanna, magpapasko na mag-isa. Kahihiwalay lang nila ng lalaking minahal nang halos siyam na taon. Anniversary sana nila kahapon. Pero ano bang kwento? Si Vice Ganda, may ibinuko! Here's the tea, hiniwalayan si 'teh' matapos mahuli na may ka-chat na ibang lalaki. Depensa ni Rosanna, bilang babae, gusto niya 'yung lalaking may provider mindset. Pero paano raw ito magkakatotoo kung hindi niya makitaan ng "growth" si ex. Dahil daw alam niyang hindi siya kayang iwan ng kasintahan, siya na ang gumawa ng dahilan para mauwi ang relasyon sa hiwalayan, at 'yun nga ay mag-entertain ng ibang lalaki. Kung anong ikinatagal ng pagmo-move on ng kanilang mga puso, siya namang ikinabilis ng performance nila sa laro. Pagkatapos ng "It's Giving," tatlo na lang ang natira—sina "It's Showtime" hosts Teddy Corpuz at Ion Perez, at madlang player Arabella, na siya namang kaisa-isang nakasagot nang tama sa "You Gotta Lyric." Agad-agad ay dumiretso si Arabella sa jackpot round kung saan tinanggihan niya ang Li-Pot offer ngunit nabigo naman siyang sagutin nang tama ang P150,000 POT question. Kung ang bawat breakup ay dumadaan sa LQ, parang ganyan din ang feels sa "TNT Duets 2." Tawagin nating "HQ" o Hurados' Quarrel ang diskusyon nina hurados Nyoy Volante, Jonathan Manalo at JM Yosures. Biro ni Vice Ganda, napagtulungan daw nina Nyoy at Jonathan si JM. Sa performance kasi ng duo nina Sean Pongos at Eleana Gabunada, na inawit ang "Tanging Yaman," pinuna ni JM na nawalan ng individuality si Sean. Ang pahayag ni JM, kinontra nina Nyoy at Jonathan. Nagkasundo ang dalawa sa kanilang opinyon na wala nang hahanapin pa sa performance. Sabi ni Nyoy, ang totoo'y bumilib siya kay Sean dahil, aniya, sa duet, mas matrabaho ang second voice at na-pull off ni Sean nang walang sablay. Dagdag ni Jonathan, "For me, it's just perfect, hindi sobra at hindi kulang. Naibigay ninyo yung hinihingi ng kanta," dahil kung dadagdagan pa ang paandar sa performance ay mawawala na ang sincerity at spirituality ng piyesa. Pero pagdating naman sa ikalawang pagtatanghal, nagkasundo na ang tatlong hurado na pawang nagandahan sa "Araw Gabi" rendition nina Shawn Hendrix Agustin at Clet Nicole Fiegalan. Sabi ng tatlong hurado, lumaban nang husto ang dalawang batang mang-aawit, na lubos ang husay sa kanilang murang edad. Sa huli, sina Shawn Hendrix at Clet Nicole ang itinanghal na daily winner. #ShowtimeSabayTayo #ItsShowtimeFullEpisode #ABSCBNEntertainment