У нас вы можете посмотреть бесплатно Philosophy teacher nag-hire ng taga-alaga para sa dumaraming rescued cats | Tao Po или скачать в максимальном доступном качестве, видео которое было загружено на ютуб. Для загрузки выберите вариант из формы ниже:
Если кнопки скачивания не
загрузились
НАЖМИТЕ ЗДЕСЬ или обновите страницу
Если возникают проблемы со скачиванием видео, пожалуйста напишите в поддержку по адресу внизу
страницы.
Спасибо за использование сервиса ClipSaver.ru
Philosophy teacher sa De La Salle University sa Maynila si Laureen Velasco. Off campus, siya ang mabait na cat mom ng mahigit 30 pusang inaalagaan niya sa kanyang bahay sa Dasmarinas, Cavite. 2014 nang mag-umpisang mag-ampon si laureen ng mga pusang maysakit, inabandona at pagala-gala. Sa kanyang pag-aaral sa ibang bansa, naunawaan ni Laureen ang malalim na kahulugan ng animal cruelty. Kwento niya, "Mga 12 years ago lang ako na-expose na sobrang cute pala sila. Ayun yun. It's not so much the cuteness that moved me and started the advocacy. It's really the animal cruelty. Yung nakita ko yung ginagawa ng mga tao sa kanila. Tapos nakita ko yung sufferings nila. I thought of what I can do to help. So, that's what started it." Pagbalik ng Pilipinas, inumpisahan niya ang pagrerescue at pagkakapon sa mga pusa. Para sa teacher, "Naisip ko kasi, I cannot keep rescuing if they keep giving birth. It will defeat the purpose eh. So, kailangan sabay yung rescue para sa buhay, pero kapon, para sa hindi na lumabas. So, you control the population, you manage the population. It's good for the cats, it's good for the community, and it's good for the people." Ngayon, naging tahanan na ng mga alaga niyang pusa ang kanyang sariling bahay at dahil dumarami na ang mga pusa, kumuha na rin si Laureen ng tagapag-alaga nila habang wala siya sa bahay. Sabi ni Laureen, "I have a full-time job. So, umaalis ako. So, kailangan ko may mag-aalaga. I had to have two in my payroll. And then, my sister also helps out. And then, sometimes my other tita also helps out. So, it's a team of women cat lovers." Karamihan sa mga alaga ni Laureen dito sa bahay ay galing pa mismo sa mga na-rescue niya mula sa De La Salle University. 2015 nang tuluyang dumami ang mga pusa sa DLSU Manila campus. Sa pangunguna ni Laureen, nabuo ang “DLSU-PUSA” o “Professors for the Upliftment of Society’s Animals.” Kung si Laureen ang tatanungin, hangga’t siya’y nabubuhay, patuloy siyang magre-rescue ng mga pusa. Para kasi sa kanya, ang pagmamalasakit ay hindi lang sa pagbibigay ng aruga sa kapwa, pwede rin itong ipamalas sa mga hayop dahil sa simpleng pagmamalasakit, maaaring mabago ang kanilang buhay. "It's so heartbreaking when you see the various forms of animal cruelty. But I have consoled myself for the idea that animals may lose their lives, but we have lost so much more, which is our soul, when we do that to them. And I feel sorry for them that they don't know the soulful joy that you can get from caring for animals." Ulat ni Bianca Dava para sa programang Tao Po. (February 9, 2025) For more Tao Po videos, click the link below: • Tao Po For more My Puhunan: Kaya Mo! videos, click the link below: / playlist list=PLgyY1WylJUmjJk2miiYrWnq15JWz2E5hL For more latest news and analysis from ABS-CBN News videos, click the link below: • The latest news and analysis from ABS... Subscribe to the ABS-CBN News channel! - http://bit.ly/TheABSCBNNews Watch full episodes on iWantTFC for FREE here: http://iwanttfc.com Visit our website at http://news.abs-cbn.com Facebook: / abscbnnews Twitter: / abscbnnews Instagram: / abscbnnews #TaoPo #LaureenVelasco #ABSCBNNews