У нас вы можете посмотреть бесплатно Mga tiwali sa gobyerno binalaan ni PNoy sa 2013 SONA | TV Patrol Throwback или скачать в максимальном доступном качестве, видео которое было загружено на ютуб. Для загрузки выберите вариант из формы ниже:
Если кнопки скачивания не
загрузились
НАЖМИТЕ ЗДЕСЬ или обновите страницу
Если возникают проблемы со скачиванием видео, пожалуйста напишите в поддержку по адресу внизу
страницы.
Спасибо за использование сервиса ClipSaver.ru
Sa kanyang ika-apat na State of the Nation Address noong July 22, 2013, sinabon ni dating Pangulong Benigno 'Noynoy' Aquino III ang ilang ahensya ng pamahalaan dahil sa umano'y katiwalian at kapalpakan. Ibinida rin niya ang mga narating ng kanyang administrasyon sa pangkalahati ng kanyang termino. Panoorin ang mga bahagi ng TV Patrol noong July 22 at 23, 2013. 02:29 Ibinida ni Noynoy Aquino ang paglago ng ekonomiya at iba pang mga nagawa ng kanyang administrasyon. Hindi naman nakaligtas sa batikos ang aniya'y tiwali at palpak na mga ahensya ng gobyerno. -Ulat ni Willard Cheng 11:45 Giit ng ilang kongresista, sa halip na puro listahan ng mga nagawa, dapat inilahad umano ni Aquino ang malinaw at detalyadong plano at polisiya ng kanyang administrasyon. -Ulat ni RG Cruz 14:52 Sumiklab ang gulo sa SONA protest matapos na magpumilit ang mga raliyista na makalapit sa Commonwealth Avenue. -Ulat ni Doris Bigornia 18:30 Sugatan ang tinatayang 30 miyembro ng mga militanteng grupo at mahigit 20 mula sa hanay ng PNP nang magkasalpukan sa SONA rally. -Ulat ni Doland Castro 21:20 Naniniwala ang Commission on Human Rights na ang mga nag-rally ang nag-udyok sa mga pulis kaya nauwi ito sa gulo. -Korina Sanchez 21:40 Ilang grupo ng mga raliyista ang nakalusot sa pwersa ng PNP na nauwi sa gulo. Naabala pati ang mga motorista matapos maantala ang usad ng trapiko. -Ulat ni Pia Gutierrez 23:42 Nasungkit ng mga kapartido ni PNoy ang pinakamataas na posisyon sa dalawang kapulungan ng kongreso. -Ulat ni Ryan Chua 26:14 Nagtamo ng minor injuries si Rep. Imelda Marcos matapos madulas sa House of Representatives. -Ulat ni Noli de Castro 26:57 Hitik sa gimik ang suot ng ilang mambabatas na rumampa sa SONA. -Ulat ni Marie Lozano 30:30 (July 23, 2013) Inihayag ng Pangulo na panahon na para itaas ang kontribusyon sa SSS pero tutol dito ang mga negosyante. -Ulat ni Pia Gutierrez 32:40 Dadagdagan pa ni Aquino ang mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilya Program sa kabila ng mga panawagang ibasura ito. -Ulat ni Niña Corpuz 35:08 Pagkamatay ng dalawang lider ng Ozamiz robbery group, posibleng rubout ayon sa PNP -Ulat ni Doland Castro 37:30 Mananatili pa rin sa Bureau of Customs si Commissioner Ruffy Biazon. Una nang nag-alok na mag resign si Biazon kasunod ng pananabon ng pangulo. -Ulat ni Jorge Cariño 39:20 Kinumpirma ng dalawang sources sa ABS-CBN na nagsumite na ng kanyang resignation si Customs Deputy Commissioner Danny Lim. -Ulat ni Noli de Castro 39:39 Sang-ayon ang mga babaeng senador sa panukala ni Sen. Miriam Santiago na magkaroon ng uniform ang mga mambabatas tuwing SONA. -Ulat ni Koria Sanchez For more ABS-CBN News videos, click the link below: • ABS-CBN News For more Breaking News & Live Coverage videos, click the link below: • Breaking News & Live Coverage For more latest news and analysis from ABS-CBN News videos, click the link below: • The latest news and analysis from ABS-CBN ... For more News Digital News Raw Cuts, click the link below: • News Digital Raw Cuts Subscribe to the ABS-CBN News channel! - http://bit.ly/TheABSCBNNews Watch full episodes on iWantTFC for FREE here: http://iwanttfc.com Visit our website at http://news.abs-cbn.com Facebook: / abscbnnews Twitter: / abscbnnews Instagram: / abscbnnews #SONA2025 #StateOfTheNation #ABSCBNNews