У нас вы можете посмотреть бесплатно Vice, Vhong at Jhong, tinulungan si Louie na manligaw | It's Showtime | January 22, 2026 или скачать в максимальном доступном качестве, видео которое было загружено на ютуб. Для загрузки выберите вариант из формы ниже:
Если кнопки скачивания не
загрузились
НАЖМИТЕ ЗДЕСЬ или обновите страницу
Если возникают проблемы со скачиванием видео, пожалуйста напишите в поддержку по адресу внизу
страницы.
Спасибо за использование сервиса ClipSaver.ru
Blessings have arrived kaya saluhin mo nang may ngiti sa mga labi. Five pogi heartthrobs have also arrived sa "It's Showtime" studio kaya times five ang kilig na sasakop sa puso n'yo! Itinanghal na New Group Artist of the Year ng PPOP Music Awards 2025, WRIVE is here para haranahin ang Madlang People with their track "Hakbang." Espesyal rin ang araw na 'to dahil may espesyal na pagbati ng maligayang kaarawan para kay WRIVE Drei. At hindi lang si Drei ang may wish, syempre, lahat sila may big goals na gustong ma-achieve. Saan ba wish 'humakbang' ng grupo? Mula Hinulugang Taktak, magfo-fall ang swerte papunta sa mga madlang players na sumalang sa 'Laro Laro Pick' game arena. Kaya makisakay na rin sa trip ng mga taga-Antipolo na naglaro! Agaw-pansin ang nakaka-good vibes na awra ni player Rea, isang caddie sa golf club kung saan naglalaro si Ryan Bang. Ang ating oppa, nabigla sa pambubuking ni Rea, na sinabing galante siya at "mahilig sa magandang caddie." Napangiti na lang si Ryan, sabay depensa sa sarili, "Hindi ako 'yun!" Pero pagkatapos ng tawanan at kulitan, naging seryso ang usapan nang ibahagi ni Rea ang hirap na pagkasyahin ang sweldo nila ni mister, na isang construction worker. Hindi raw maiwasan na paulit-ulit mangutang para sa pangangailangan ng tatlong anak. Naalala tuloy ni Vice Ganda ang isang eksena nila ni Nadine Lustre sa "Call Me Mother" kung saan bumitaw siya ng linya tungkol sa pagiging ina. Nang makita naman ni Meme si player Louie, parang nakaharap daw niya ang kanyang kabataan, na parang kombinasyon din nilang tatlo nina Vhong Navarro at Jhong Hilario! Dahil parang tropa na ang vibe ng apat, tinulungan nila si Louie na manligaw on national TV! Mirror, mirror on the wall, who is the luckiest of them all? Si Cecille ang luckiest player na sumabak sa jackPOT round. Pero bago ang tawaran, napansin ni Vice Ganda ang 'costume' nina Karylle at Kim Chiu, na parehong may "injury." Biro ni Jhong Hilario, kung may BINI, sina Karylle at Kim naman ang BINA, as in BINAlot ng benda. Itinodo ng BINA girls ang Li-Pot offer na umabot sa P35,000. Sa kabila ng pangungumbinsi ng Vice na subukan ang POT, mas pinili ni Cecille ang Li-Pot. Good decision! Kaya, Ate Cecille, congratulations! Patuloy ang salpukan ng mga pambato ng NCR sa unang linggo na 'Tawag Ng Tanghalan Ika-10 Taon.' Ang matinding bosesan, sinimulan ng pambato ng Caloocan na si Georgina Medina. Tinig niyang makabago, binigyang buhay ang "Love" ni Keyshia Cole sa entablado. Tiwala sa sarili ay nais ibalik ni Kane Gabriel ng Mandaluyong City na buong-pusong inawit ang "You Will Be Found." Si Kane, may 'di magandang karanasan nang mag-perform sa isang big stage, kaya pakiusap ni Punong Hurado Louie Ocampo, magpatuloy lang ito sa pagkanta, "Don't give up because you have a beautiful voice." Paliwanag ni Maestro Louie, malakas ang dating ni Kane bilang mang-aawit, pero kailangan na maging maingat sa paglakas ng volume. Sa dulo, itinanghal na panalo si Georgina sa score na 91.3%, laban sa 88.3% ni Kane. #ItsShowtime #ItsShowtimeNa #ShowtimeRehHiYon