У нас вы можете посмотреть бесплатно Gaano kalawak ang Pagmamahal ng Diyos Part 1 или скачать в максимальном доступном качестве, видео которое было загружено на ютуб. Для загрузки выберите вариант из формы ниже:
Если кнопки скачивания не
загрузились
НАЖМИТЕ ЗДЕСЬ или обновите страницу
Если возникают проблемы со скачиванием видео, пожалуйста напишите в поддержку по адресу внизу
страницы.
Спасибо за использование сервиса ClipSaver.ru
Kaibigan sobra akong excited na ipaalam sa iyo na meron tayong special na series ngayong buwan na ito at syempre pag pinag-uusapan ang buwan ng February ang unang pumapasok sa ating isip ay love tama ba? At naisip ko na gumawa ng series patungkol sa pagmamahal bakit? kasi wala ng mas importante pa sa buhay natin kung hindi ang pagmamahal - kung mahal ka ng Diyos, minamahal mo din Siya at minamahal mo din ang iyung kapwa at ganon din naman nagmamahal sayo ang iyung kapwa hay ang sarap mabuhay diba. Pangalawa sobrang makapangyarihan ang pagmamahal. Ano ibig kong sabihin? Ang pagmamahal o pag-ibig ay may kapangyarihan na magbago ng tao. Ang isang tao na minahal ng isang tao sa paraan ng pagmamahal ng Diyos ay siguradong magbabago. Ang taong minahal ng pagmamahal ng Diyos ay nag-iiba na at hindi na sila gaya ng dati. Nung natanggap ko ang pagmamahal ng Diyos at ng kapatiran sa akin kahit na akoy makasalanan, naku nagiba ang buhay ko. Narealized ko na maraming tao ang binago ng pagibig. Isa na rito si John na alagad ng Panginoong Hesus. Naalala ko sabi dun sa book of Luke ay pinadala noon ng Panginoong Jesus si James at John sa isang Samaritan village upang ihanda ang Panginoong Hesus ng matutuluyan. Kaya lang ay hindi sila tinanggap doon sa village na yon. Naku si James and John ay nagalit tignan mo ito ang sabi nila. Luke 9:54 54 Nang makita ito nina Santiago at Juan, sinabi nila, “Panginoon, gusto ba ninyong magpaulan kami ng apoy mula sa langit upang sila'y lipulin [tulad ng ginawa ni Elias]? Grabe ganito kainit ang ulo nila James at John. Pero nakita natin sa Bible kung paano sila minahal at pinagpasensyahan ng Panginoong Jesus at ito ang unti-unting nagbago sa kanilang ugali at buhay. Narealized ko na sinasabuhay ng Panginoong Hesus yung sinabi Niya na hindi ako naparito upang hatulan ang sanlibutan, kundi upang iligtas ito. Naniniwala ako na itong ganitong klaseng pagmamahal ang isa sa mga natutunan at tinanggap nila James at John na nagpabago ng kanilang ugali at buhay Then na-realize ko din na hindi lang ang pagmamahal ang may kapangyarihang magbago kung hindi ito rin ang nagpapatunay na kung ang isang tao ay talaga bang alagad ng Panginoong Hesus. Sabi sa Juan 13:34-35 MBB 34 “Isang bagong utos ang ibinibigay ko sa inyo ngayon: magmahalan kayo! Kung paano ko kayo minahal, gayundin naman, magmahalan kayo. 35 Kung kayo'y may pagmamahal sa isa't isa, makikilala ng lahat na kayo'y mga alagad ko.” Ang sabi sa talata ay yung pagmamahalan natin sa bawat isa ang magiging patunay na tayo ay alagad ng Panginoong Hesus. Ang pagiging lagad ay hindi nakikita sa galing mo makipagdebate, hindi din sa pamamagitan ng laki ng church, hindi din ito tungkol sa dami ng iyong ministry, hindi din nakikita sa iyung pagpepenetensya, hindi din nakikita sa attendance mo sa church kung hindi napapatunayan na tayo ay alagad ng Panginoong Hesus kung nagmamahalan tayo sa isa't isa. Kaya nga ito yung dahilan kung bakit natin gustong gawin ang series na ito dahil importanteng importante ang pagmamahalan. Kaya kung bago ka sa channel na ito ay tapusin mo itong mensahe at hindi lang itong episode na ito kung hindi yung dalawa pang susunod na bahagi ng series na tinatawag nating "The Love Journey". Kaibigan kung iaapply mo ang mga paguusapan natin sa series na ito ay ito ang magbabago ng iyong buhay ito magbibigay sayo ng kapangyarihang magmahal ng walang kondisyon at magmahal sa Diyos ng buong puso, buong kaluluwa, buong lakas at buong pag-iisip. Support this ministry: https://wotgonline.com/donate/ Ready to Answer: https://bit.ly/readytoansweryt Message Scipt: https://bit.ly/SCRIPT-GaanoKalawakAng... Life Application and Missional Guide (LAMG): https://bit.ly/LAMG--GaanoKalawakAngP... BACKGROUND MUSIC FROM YOUTUBE AUDIO LIBRARY Beseeched - Asher Fulero #karangalanngDiyos #kaluwalhatianngDiyos #tagalogsermon #tagaloginspIrational #tagalogBibleverses #tagalogmotivational #tagalogBiblestudy #tagalogpreaching #wotg #Christianvlog #CCF