У нас вы можете посмотреть бесплатно The Ultimate Adventure Tour Begin / Philippines loop 2024 / Episode 1 или скачать в максимальном доступном качестве, видео которое было загружено на ютуб. Для загрузки выберите вариант из формы ниже:
Если кнопки скачивания не
загрузились
НАЖМИТЕ ЗДЕСЬ или обновите страницу
Если возникают проблемы со скачиванием видео, пожалуйста напишите в поддержку по адресу внизу
страницы.
Спасибо за использование сервиса ClipSaver.ru
ANG PANGARAP NG MARAMI Tulad ng iba, minsan ko ding pinangarap na malibot ang Pilipinas. Isang pangarap na alam kong hindi mananatiling pangarap lang at balang araw ay matutupad. Isa na ito siguro sa maituturing kong nakapalaking achievement ko hindi lamang bilang isang rider, kundi maging sa aking personal na buhay. Walang kahit na halaga ng pera ang makakapantay nito! Nakapalaking pribilehiyo ang makaranas ng ganitong karanasan, ang malibot at masilayan ang ganda ng ating bayang sinilangan, makakilala ng mga bagong kaibigan at lalo pang maintindihan ang iba’t-ibang kultura na meron tayo. Ilang araw ng natapos ang journey ko sa Philippine Loop, pero hindi ko pa din nakakalimutan ang mga magagandang lugar, tanawin at mga taong nakasalamuha natin. Dala-dala natin ito hanggang sa ating pagtanda. Worth it ang pagod, puyat at ibang hirap sa paglalakbay na ito! Grabe! Napakaganda ng Pilipinas! Hindi madali ang mag Philippine Loop, nandiyan ang pagod, puyat, gutom, aberya, init at minsan ay mababasa ng ulan. Minsan ay mapanghihinaan ng loob, lalo na kung maisip mo ang pamilyang naiwan sa inyong tahanan. Pero napapawi ang lahat ng ‘yan dahil sa ganda ng Pilipinas at maiisip mo na nandiyan ang iyong pamilya, kaibigan, mga sumusuporta na naging inspirasyon mo para magpatuloy at tapusin ang biyahe na ito. Sa inyong lahat, maraming-maraming salamat! Higit na pasasalamat lalo sa ating Poong Maykapal, dahil hindi ako pinabayaan sa buong biyahe. Ligtas na nakauwi at natapos ang paglalakbay na ito. Maraming-maraming salamat po Panginoon. Sa mga susunod na araw, hayaan niyo pong ibahagi ko ang aking mga naging karanasan sa paglalakbay na ito. Sana Samahan niyo ako hanggang dulo at ngayon pa lang gaya ng lagi kong sinasabi “Maraming-maraming salamat sa pagsama sa aking biyahe at hanggang sa muli Bilang panghuli, gusto ko lang sabihin na kung may pangarap tayo ay wag na wag nating susukuan. Pagsumikapan natin na maabot ito. Dahil ang pangarap ay hindi mananatiling pangarap. #PhilippineLoop #PhilippineLoopAdventureTour #DepartmentOfTourism #PhilippineMotorcycleTourism Facebook page https://www.facebook.com/Onduehotel?m...