У нас вы можете посмотреть бесплатно ALYAS JAGUAR ANG BAYANING DRUGLORD NG DULJO FATIMA CEBU CITY или скачать в максимальном доступном качестве, видео которое было загружено на ютуб. Для загрузки выберите вариант из формы ниже:
Если кнопки скачивания не
загрузились
НАЖМИТЕ ЗДЕСЬ или обновите страницу
Если возникают проблемы со скачиванием видео, пожалуйста напишите в поддержку по адресу внизу
страницы.
Спасибо за использование сервиса ClipSaver.ru
Tol ang angas ng kwentong to dahil minsan ka lang makakakita ng druglord na maraming fans gaya ni Herbert Colanggo at ng taong ito. Siya ang tinaguriang bayani o Robinhood sa kanilang lugar sa Cebu City dahil sa sinasabing angkin nitong pusong mammon sa mga mahihirap at nangangailangan. Bagamat mainit siya sa mata ng batas at numero unong druglord at pinakamalaking isda sa central visayas hindi ito naging hadlang upang tingalain siya ng mga taong kaniyang nasasakupan. Si Jeffrey Diaz, o mas kilala sa alyas nitong Jaguar ay isinilang sa Barangay Duljo, Fatima sa Cebu City noong dekada sisenta, hinubog ng kahirapan ang kanyang kabataan. Sa murang edad, hinangad na niyang mabago ang takbo ng kanyang buhay para sa mas maliwanag na kinabukasan. Sa kanilang pamilya, si Jaguar ay ikalawa sa pitong magkakapatid. Ang kanilang buhay ay simpleng-simple lamang – ang ina ay nagtitinda ng mga prutas tulad ng manga sa tabi-tabi, samantalang ang kanyang ama ay nagtatrabaho sa isang shipping company upang mapanatili silang may laman ang tiyan araw-araw. Ang bawat araw ay may kasamang pag-asa at saya para kay Jaguar at sa kanyang mga kaibigan. Isa si Victor Yap sa mga kaibigan niya na nagbalik-tanaw sa kanilang magagandang alaala. Kwento niya si Jeffrey Diaz daw ay talagang masayahin at mabait, katunayan, noong sila ay mga batang sampung taong gulang, sila ay naging sacristan o altar boys sa Archdiocesan Shrine of San Nicolas de Tolentino. Ang kanilang pagsisilbi sa simbahan ay hindi lamang isang karangalan kundi patunay rin sa kanilang malasakit sa komunidad. Madalas din nakikipaglaro si Jeffrey Diaz sa kaniyang mga kaibigan ng basketball. Gayunpaman, ang lahat ng ito ay nagbago nang biglaang magdesisyon si Jaguar na itigil ang kanyang pagaaral matapos niyang tapusin ang elementarya dahil sa tindi ng kahirapan. Ito ay naging simula ng bagong kabanata sa kanyang buhay. True Crime Tagalog | Tagalog Crime Stories