У нас вы можете посмотреть бесплатно Piraso ng Pasasalamat, Pagbubuo ng Pangarap: A Fundraising Campaign for Lolo Uweng Pilgrim Church или скачать в максимальном доступном качестве, видео которое было загружено на ютуб. Для загрузки выберите вариант из формы ниже:
Если кнопки скачивания не
загрузились
НАЖМИТЕ ЗДЕСЬ или обновите страницу
Если возникают проблемы со скачиванием видео, пожалуйста напишите в поддержку по адресу внизу
страницы.
Спасибо за использование сервиса ClipSaver.ru
PIRASO NG PASASALAMAT, PAGBUBUO NG PANGARAP: A FUNDRAISING CAMPAIGN FOR THE CONSTRUCTION OF LOLO UWENG PILGRIM CHURCH “Nag-umpisa sa isang pangarap, ngayon ay unti-unti nang nagkakaroon ng kaganapan.” Malapit nang matapos ang Phase 1 ng ipinapatayong Lolo Uweng Pilgrim Church at makikita na ang mga poste’t istruktura nito mula sa malayo. Ang mga katuparang natatanaw ng ating mga mata ay dahil sa inyo, mga deboto ni Lolo Uweng—sa ating walang sawang pagtutulungan at pagkakaisa, at pagsuporta sa mga nagdaang fundraising campaigns para sa bagong simbahan. Kaya naman bilang bahagi ng tuloy-tuloy na paglikom ng pondo para sa konstruksyon ng Lolo Uweng Pilgrim Church, ang Dambana ni Lolo Uweng ay naglunsad ng isang panibagong fundraising campaign na tatawaging “Piraso ng Pasasalamat, Pagbubuo ng Pangarap”—isang pledge puzzle fundraising campaign. Ang bawat deboto ay maaaring bumili ng isang piraso ng tile mula sa puzzle bilang inyong paraan ng pasasalamat sa mga biyaya’t pagpapalang natanggap ninyo mula kay Lolo Uweng ngayong taon at ito’y ididikit sa puzzle board na makikita sa harap ng altar ng dambana. Ang puzzle board ay may larawan ng ipinapatayong bagong simbahan ngunit wala pang kulay. Kaya naman, masugid naming hinihikayat ang lahat ng mga deboto ni Lolo Uweng na tangkilikin ang proyektong ito upang sa ating pagtutulungan ay unti-unti natin itong mabigyan ng kulay na sisimbolo sa pag-asang matapos ang bagong simbahan sa lalong madaling panahon. _______________________________________________ 𝗟𝗼𝗹𝗼 𝗨𝘄𝗲𝗻𝗴 𝗣𝗶𝗹𝗴𝗿𝗶𝗺 𝗖𝗵𝘂𝗿𝗰𝗵 𝗣𝗿𝗼𝗷𝗲𝗰𝘁 Direct Bank Deposits: BPI 8483-1180-32 - Fr. Edgar M. Titoy, Cynthia A. Enriquez, and Victoria A. Alvarez Dollar Account: BPI 8484-0484-07 - Fr. Edgar M. Titoy, Cynthia A. Enriquez, and Victoria A. Alvarez _______________________________________________ SHRINE OF JESUS IN THE HOLY SEPULCHRE Sto. Sepulcro Parish Brgy. Landayan, City of San Pedro, Laguna #LandayanChurch #ShrineOfLoloUweng #LoloUwengNgLandayan #LandayanQuiapoNgLaguna Visit the shrine's official website - lolouwengshrine.com Social Communications Ministry