У нас вы можете посмотреть бесплатно It’s Showtime March 20, 2025 | Full Episode или скачать в максимальном доступном качестве, видео которое было загружено на ютуб. Для загрузки выберите вариант из формы ниже:
Если кнопки скачивания не
загрузились
НАЖМИТЕ ЗДЕСЬ или обновите страницу
Если возникают проблемы со скачиванием видео, пожалуйста напишите в поддержку по адресу внизу
страницы.
Спасибо за использование сервиса ClipSaver.ru
Sa pula, sa puti, ang panalo ay hindi natin bati! Parang ganyan ang motto ng mga teams na kasali sa ‘Ansabe.’ Sabi nga ni Kuys Jhong Hilario, ‘di bale nang ma-zero basta damay-damay na ‘to! Sige, damayan natin ang mga players sa nakakalokang hulaan. Ang unang grupo na sumubok ng kanilang galing sa lip-reading ay ang team nina Vhong Navarro, Stephen, Kim Chiu, Teddy Corpuz, at buli-lip reader Kulot. Bungad pa lang, perfect zero na agad! Malungkot tuloy sina Stephen at Kulot. Okay lang ‘yan, kids, sabi ni Kuys Jhong, masustansya naman ang ‘itlog.’ Todo sa effort din si Argus and his teammates Jhong, Ayesha, Lassy, Jackie Gonzaga, at Anthony ng ‘Showtime Online U.’ Literal na panghuhula naman ang ginawa ni Kelsey. ‘Yung mga sagot niya sa lip-reading, parang WiFi na struggling… walang konek. Na-bokya si Kelsey kaya lulusot siya pati ang teammates n’yang sina Karylle, Ryan Bang, Lassy, at Jugs Jugueta. Merong tumatamis at merong inaalat. Ganyan ang kapalaran ng mga pangkat na patuloy na lumalaban sa “Tawag Ng Tanghalan All-Star Grand Resbak.” Parang huni ng ibon sa hanging malamig–masarap sa feeling! Ganyan ang performance ni Anthonette Tismo ng Pangkat Amihan. “Ikaw Lang Ang Mamahalin,” awit niya sa entablado. Bawat nota ay galing sa puso. Inspirasyon ni Anthonette ang anak na mahal na mahal niya. Dahil diyan, napag-usapan ng ‘Showtime’ family ang katatagan at sakripisyo ng mga babae at mga ina. Happy Women’s Month sa mga kababaihang palaban! Matatag din na sumabak sa hamon ng tanghalan si Kim Nemenzo para iangat ang Pangkat Agimat. Teka, huwag malito. Si Kim ‘yan, hindi si Leni Robredo. Trip talaga ni Vice Ganda ang ‘mang-asar’ today, dahil hindi nakaligtas maging si Punong Hurado Louie Ocampo. Parang may ‘something’ daw kasi sa komento ni Sir Louie. Ikaw talaga Meme! Nakakatupok ang hotness ng “Through The Fire” performance ni Jeremiah ‘Miah’ Tiangco ng Pangkat Alon. Speaking of hot, nakatanggap ng maiinit na komento si Miah mula sa netizens nang piliin niyang sumabak ulit sa TNT. Pero nakita ng lahat kung paano niya pinanindigan ang isang desisyon na buong puso niyang pinili. Ikinuwento ni Miah ang dahilan kung bakit siya sumali ulit sa TNT kahit naging champion na siya sa ibang TV singing competition. Nabanggit din niya na na-inspire siya kay Sofronio Vasquez, na tumalo sa kan’ya noon sa TNT. Maliit man sa inyong paningin, pero nakakapuwing ang galing ng kiddie Resbaker mula sa Pangkat Alab, si Shawn Hendrix Agustin, na maagang nakatanggap ng standing ovation mula kay Hurado Pops Fernandez. Samantala, mapapa-standing ovation ka rin sa tapang ni Lassy. Pa-sweet ’yan siya kay hurado Marco Sison, na tinawag niyang ‘baby.’ Matapos ang isa na namang round ng resbakan, ang wagi sa araw na ‘to ay si Jeremiah ng Pangkat Alon na inawit ang “Through The Fire.” Namangha rin ang marami nang makita na pumangalawa si Shawn sa laban at dikit na dikit ang scores nila ni Jeremiah. #ItsShowtime #ItsShowtimeFullEp #ABSCBNEntertainment