У нас вы можете посмотреть бесплатно It’s Showtime October 27, 2025 | Full Episode или скачать в максимальном доступном качестве, видео которое было загружено на ютуб. Для загрузки выберите вариант из формы ниже:
Если кнопки скачивания не
загрузились
НАЖМИТЕ ЗДЕСЬ или обновите страницу
Если возникают проблемы со скачиванием видео, пожалуйста напишите в поддержку по адресу внизу
страницы.
Спасибо за использование сервиса ClipSaver.ru
Lunes na naman. Pero dalawang buwan na lang ay Pasko na. Kaya kalmahan n'yo lang! Ang mga deadline sa trabaho at gawain sa bahay, matatapos din 'yan! Heto ang isang pampakalma—ang boses ng one and only Asia's Nightingale, Lani Misalucha, na may bagong kanta titled "Aking Tatanggapin." Para 'to sa mga sinaktan at niloko pero naka-move on rin. Nangangamoy swerte sa "Laro Laro Pick" with the madlang rider players. At totoo bang nangangamoy ointment din? Ang mga 'kuys' kasi natin, sina Jhong Hilario at Vhong Navarro, napasabak sa isang basketball showdown kahapon versus mga oppas na kinakikiligan! At first runner-up ang mga gwapong players ng "It's Showtime"! Biro ni Jhong, absent si Ryan Bang kasi hinarangan ba naman si Choi Min-ho, ayun, muntik daw mapa-deport ang Kuys Ryan n'yo! Kalma lang din si Kim Chiu doon sa 'gedli' pero balita namin may kasamang mag-jogging ang pretty chinita noong nasa Vancouver ang tropa. Si bestie Darren Espanto na ang bahalang magkuwento! Hindi nila alinatana ang init at ulan, kaya ngayon sa "Laro Laro Pick" game arena naman sila reregaluhan kapag swerte ang umangkas sa kanilang kapalaran. Delivery riders ang bida sa laro kaya naikuwento ni Vice Ganda ang recent experience niya sa pagmo-motor. Very sweet naman pala umangkas ang Meme! Pero sa tagal ng ride, legs niya ay bumigay sa ngalay. At may isa pang bumigay! 'Yung leggings ni Meme, nakitaan ng butas ni Vhong Navarro. Hirit ni Meme, hulugan daw ‘yan ng barya parang alkansya. Ang kukulit talaga ng Meme and friends ‘pag magkakasama! Speaking of kasama, sino itong palaging kasama ni MC na nag-influence sa kan’ya na maging vegetarian? Si Meme, parang may gustong i-reveal tungkol sa buhay ni MC, na malapit daw sa puso sa mga players, dahil mahilig siyang magpa-meryenda ng mga riders. Kinilala ng hosts si Kurt, na malapit naman daw sa puso ni Vice Ganda, na mahilig tumambay sa basketball ‘kurt’. ‘Yan ang mga jokes ni Jhong Hilario! Pero hirit pabalik ni Meme, si Jhong naman daw ay relate kay rider Math dahil isa siyang ‘math-ching.’ Si Jose Mari, napagkamalang ‘nagpaparinig’ nang banggitin na birthday niya bukas. ‘Na-guilty’ tuloy si Meme! Eme! For sure may matatanggap na regalo si Jose Mari lalo pa’t kapangalan niya si Meme! Sa araw na ito, ang swerte ay dumapo kay rider Ed, matapos maka-survive sa “Illuminate or Eliminate” at makasagot nang tama sa “It’s Giving” at “Yu Gotta Lyric” rounds. Sa “Laro Laro Pick” jackpot round, umabante si rider Ed, 22 years old at working student. Isa siyang iskolar, kaya naman hahangaan mo ang kanyang pagsisikap para sa sariling mga pangarap. Nag-aaral din kasi ang mga kapatid niya at ayaw nang dumagdag pa sa mga gastusin nina mama at papa. Sa halagang P150,000, sinugalan niya ang POT question, kapalit ng P30,000 offer sa Li-Pot. Ang tanong, “Ano ang sasakyang pandagat na ginagamit sa paglalakbay at kalakalan bago pa dumating ang mga Kastila kung saan hango ang salitang 'barangay’?” Ang sagot ni Ed ay “bangka.” Sayang! Ang tamang sagot ay “balangay,” na isasagot sana ni Ed pero nagdalawang-isip siya. Dapat talaga nakikinig sa gut feel. Gayunpaman, siguradong susuklian ng universe ang pagiging mabuti at masipag ni Ed sa ibang paraan. Bilog ang mundo dahil kung no’ng una’y Pangkat Luntian ni mentor Bituin Escalante ang ‘kulelat’ sa laban, ngayon sila ang nangunguna sa Pangkatapatan. Determinado silang huwag pagbigyan ang kalaban na Pangkat Bughaw ni mentor Mark Bautista. Si Jay Mark Cadiwetan ang pambato ng Luntian. Singing “Hanggang Sa Huli,” ibinuhos niya ang puso sa TNT entablado. Nagustuhan naman ni hurado Dingdong Avanzado ang song choice. Mula sa Pangkat Bughaw, “Hawak Mo” ang hugot ni Claudia Eliver sa face-off nila ni Jay Mark. Para kay hurado Marco Sison, hindi man perpekto ang pag-awit, naramdaman niya ang emosyon nito. Sa huli, ang nakakuha ng mas mataas na score, 94.7% ay si Jay Mark. Samantalang si Claudia naman ay nakakuha ng grado na 94%. Dahil may 6 points na ang Pnagkat Luntian at hindi na makakahabol pa ang kalaban, sila na ang aabante sa next round. Samantala, tuluyan nang na-eliminate ang Pangkat Bughaw, pero ang natitirang mang-aawit ng dalawang grupo ay maghaharap pa rin para na lang sa pinaglalabanan na premyo. #ItsShowtimeOnline #ItsShowtimeFullEpisode #ABSCBNEntertainment #ShowtimeSweet16