У нас вы можете посмотреть бесплатно Samalamig vendor, masungkit kaya ang P250k Pot money? | It's Showtime | November 24, 2025 или скачать в максимальном доступном качестве, видео которое было загружено на ютуб. Для загрузки выберите вариант из формы ниже:
Если кнопки скачивания не
загрузились
НАЖМИТЕ ЗДЕСЬ или обновите страницу
Если возникают проблемы со скачиванием видео, пожалуйста напишите в поддержку по адресу внизу
страницы.
Спасибо за использование сервиса ClipSaver.ru
Sa panahon ngayon na araw na lang ang tapat, dapat lang na pirarangalan ‘yung mga loyal. Si Kim Chiu, loyal sa mga taong mahal at sa trabaho. Loyal din sa Star Magic, her home in the past two decades. Isang Loyalty Award nga ang iginawad kay Kim, at sa anim pang artists, sa ginanap na Star Magical Christmas 2025 nitong Linggo. Ang Chinita Princess natin, nagpasalamat sa parangal na natanggap. Mabuhay ang mga loyal! Loyal naman sa kanilang fans ang global girl group na QUADLIPS, na game sa kulitan with the “It’s Showtime” fam at may special performance para sa Madlang People. Ang swerte kapag ika’y dinapuan, magiging loyal din sa’yo ‘yan basta alagaan. Sino ang makakahuli ng swerte sa Laro Laro Pick? Next video, let’s go! Samalamig! Samalamig! Chill lang muna ang mga samalamig vendors na naimbitahan dito banda sa Laro Laro Pick game arena. Isa sa kanila ang maaaring makakuha ng P250k Pot money. Jen B is in the house, eyy! Ang dating fast food crew, nag-resign sa trabaho para magbenta ng samalamig. Hawak na niya ang oras, doble pa ang kinikita niya. ‘Yan ang goal, as in sa-goal at goal-aman! Relationship goals naman sina Annen at ang mahal niyang si Heidie, dahil 10 years strong na sila! Paano nga ba nagsimula ang kanilang love story, at kung si Annen ang tatanungin, ito na nga ba ang road to forever? Nag-cool down na ang everybody, oras na para sa mga larong magdadala ng Pot money. Sa "Illuminate or Eliminate," berdeng kahon ang dapat mapili para umabante sa "It's Giving" kung saan ang kategorya ay mga sangkap ng menudo ayon sa listahan ng isang website. At, tamang letra ng kanta, sa "You Gotta Lyric" dapat mabanggit. Sa dulo, ang PILImination, pwesto kung nasaan ang secret pink confetti ang dapat piliin. Pink is the lucky color ni Annen! Simple lang naman ang hiling ni Annen, ang samalamig vendor na naglaro sa "Laro Laro Pick" jackpot round. Gusto niyang makadalaw sa probinsya para makita ang pamilyang matagal nang hindi nakikita. Pangatlo sa 13 na magkakapatid, naranasan niyang maging solo breadwinner pero mabuti na lang ngayon ay may trabaho na rin ang ibang mga kapatid niya. Pero patuloy pa rin ang pagkayod nya para sa pamilya bagama't malayo siya sa kanila. Hindi naman siya nag-iisa dahil nand'yan si jowa para samahan at suportahan siya. At sa tulong na rin ng kanyang mahal na si Heidie, nagdesisyon si Annen na piliin ang Li-Pot na nagkakahalaga ng P40,000. Tama ang desisyon ni Annen dahil nang basahin ni Jhong Hilaio ang P250k POT question na, “Anong probinsya o lalawigan sa Pilipinas ang idineklarang Christmas Capital?" hindi siya nakasagot sa loob ng limang segundo. Kayo, madlang people, alam n'yo ba ang sagot dito? Harmony ang goal para ang panalo ay masapul. Pero kapag na-gong, huwag panghinaan ng loob. Sabi nga ng mga hurados, hindi ito nangangahulugan na hindi magaling, sadyang ang “TNT Duets 2” ay extra challenging. Challenging ba kamo? Si Ryan Bang, na-challenge din sa isang biglaang joke time. Anong isda nga ba ang walang buto? Nabilangan ng isang beses ang duo nina Ariel Abella at Angel Recabo habang kinakanta ang “Islands in the Stream” sa entablado. Pero ‘dedma’ lang daw sila para hindi ma-distract. At effective nga ang hindi nila pagpansin sa pagtaas ng kamay ni hurado Jonathan Manalo dahil mabilis silang naka-recover at natapos ang kanta hanggang dulo. Samantala, hindi nakaligtas sa gong ang duo nina Stephen Lacuata at Aaron Edang na kinanta ang “Bibingka” ng Ben&Ben. Paliwanag ng mga hurados mahusay sina Stephen at Aaron individually at napakaganda ng blending, ‘yun nga lang ay tuluyan silang na-distract. Sobrang nanghinayang ang mga hurado dahil na-appreciate nila ang ganda ng boses ng dalawa, pero kailangan talagang maging objective sa konsepto ng duets. Hindi bale, dito naman sa Tawag Ng Tanghalan, palaging may chance para mag-comeback. Dahil sa pagkaka-gong ng ikalawang duo, ang naunang tandem nina Ariel at Angel ang automatic na panalo sa araw na ‘to. #ShowtimeLabanNaLaban #ItsShowtimeOnline #ItsShowtimeFullEpisode