У нас вы можете посмотреть бесплатно Aksyon Laban sa Kahirapan - Season 2 – Episode 35 или скачать в максимальном доступном качестве, видео которое было загружено на ютуб. Для загрузки выберите вариант из формы ниже:
Если кнопки скачивания не
загрузились
НАЖМИТЕ ЗДЕСЬ или обновите страницу
Если возникают проблемы со скачиванием видео, пожалуйста напишите в поддержку по адресу внизу
страницы.
Спасибо за использование сервиса ClipSaver.ru
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng International Cooperatives Day noong Hulyo 5, tampok sa ika-35 na episode ng Aksyon Laban sa Kahirapan (AKSYON) ang panayam kay Cooperative Development Authority (CDA) Deputy Administrator Ray Elevazo sa programang Rise and Shine Pilipinas ng PTV-4,Hulyo 10. Tinalakay ni Deputy Administrator Elevazo ang kahalagahan ng International Day of Cooperatives, na isang pandaigdigang selebrasyon na nagbibigay-diin sa temang ngayong taon na “Cooperatives: Driving Inclusive and Sustainable Solutions for a Better World.” Ipinapakita nito na may malawak epekto ang mga kooperatiba hindi lamang sa mga lokal na pamayanan kundi pati na rin sa buong mundo, at sumasaklaw sa iba’t ibang sektor ng lipunan. Ibinahagi rin ni Deputy Administrator Elevazo na idineklara ang buong taong 2025 bilang International Year of Cooperatives, bilang pagkilala sa mahalagang ambag ng mga kooperatiba sa pandaigdigang kaunlaran. Mula 2023 hanggang sa kasalukuyan, may naitalang 319 na bagong kooperatiba. Sa kabuuan, mayroon nang 22,606 rehistradong kooperatiba sa Pilipinas, kung saan mga multi-purpose cooperatives na nagpapakita ng inobasyon at kakayahang umangkop ng mga Pilipino sa larangan ng kooperatiba ang karamihan sa mga ito. Binigyang-diin din niya ang pagsusulong ng isang consultative and responsive Cooperative Development Authority sa ilalim ng Coop-Rise Agenda sa pamumuno ni CDA Undersecretary Alexander Raquepo na naglalayong palakasin pa ang suporta at pagpapaunlad sa mga kooperatiba sa buong bansa. #NAPC26 #AksyonLabanSaKahirapan #BagongPilipinas