У нас вы можете посмотреть бесплатно ANO ANG MGA DAPAT NATING ASAHAN AT PAGHANDAAN BILANG MGA TAGASUNOD NI JESUS? или скачать в максимальном доступном качестве, видео которое было загружено на ютуб. Для загрузки выберите вариант из формы ниже:
Если кнопки скачивания не
загрузились
НАЖМИТЕ ЗДЕСЬ или обновите страницу
Если возникают проблемы со скачиванием видео, пожалуйста напишите в поддержку по адресу внизу
страницы.
Спасибо за использование сервиса ClipSaver.ru
#Arcillasbonie #Devotion #Christiantips #Biblestudy #Jesus #inspirational #Motivational #worship #God #Service #Praise DISCOVERY CLASS Lesson 7 ANO ANG MGA DAPAT NATING ASAHAN AT PAGHANDAAN BILANG MGA TAGASUNOD NI JESUS? Panimula: 1. Sa tingin mo pag tagasunod kana ni Jesus, hindi kana ba magkaka problema? 2. Sa tingin mo hindi kana ba guguluhin ng diablo para ibaksak ka para hindi ka makapagpatuloy? Ngayon ang paguusapan natin ay: ANO ANG MGA DAPAT NATING ASAHAN AT PAGHANDAAN BILANG MGA TAGASUNOD NI JESUS? 1. Mga Paguusig.. ( 2 Tim. 3:12, Mateo 5:10-11 ) 2 Timoteo 3:12 [12]Gayundin naman, ang lahat ng nagnanais mamuhay nang matuwid bilang tagasunod ni Cristo Jesus ay daranas ng mga pag-uusig, Mateo 5:10-11 [10]“Mapalad ang mga inuusig nang dahil sa kanilang pagsunod sa kalooban ng Diyos, sapagkat mapapabilang sila sa kaharian ng langit. [11]“Mapalad ang mga nilalait at inuusig ng mga tao, at pinaparatangan ng lahat ng uri ng kasamaan na pawang kasinungalingan nang dahil sa akin. ● Kinutya kaman, pinagtawanan ka, minura ka, inapi ka, dinakip ka, kinaladkad ka, ipinahiya ka, dahil ito sa pagsunod mo kay Jesus... Ayaw kasi nilang naglilingkod ka sa Panginoon.. ● Hindi mo na ito dapat pagtakhan, bagkos ay paghandaan at tatagan ang kalooban.... ( 1Cor. 16:13) 1 Mga Taga-Corinto 16:13 [13]Maging handa kayo at magpakatatag sa inyong pananampalataya. Maging matapang kayo at magpakatibay, 2. Mga Pagtitiis o paghihirap. ( Filipos 1:29, 2 Cor. 1:5, 1Cor. 15:58 ) ● Nagtiis o naghirap ang kalooban dahil maraming pinagdadaanang problema, criticism, karamdaman, kakapusan financial.. Mga Taga-Filipos 1:29 [29]Dahil ipinagkaloob niya sa inyo, hindi lamang ang manalig sa kanya, kundi ang magtiis din naman alang-alang kay Cristo. 2 Mga Taga-Corinto 1:5 [5]Sapagkat kung gaano karami ang aming paghihirap dahil sa aming pakikipag-isa kay Cristo, gayundin naman karami ang aming kaaliwan kay Cristo. 3. Mga Tukso.. ( Mateo 6:13, Mateo 18:7 ) ● Naghahanap ng paraan ang diablo para magkasala ka. ● Huwag kang patukso, manalangin at umiwas ka sa tukso... Mateo 6:13 [13]At huwag mo kaming hayaang matukso, kundi iligtas mo kami sa Masama!’ Mateo 18:7 [7]Kahabag-habag ang daigdig sa dami ng mga tuksong nagiging sanhi ng pagkakasala! Hindi nga maiiwasan ang pagdating ng tukso, ngunit kakila-kilabot ang sasapitin ng taong pinanggagalingan nito. 4. Mga Pagsubok. ( Santiago 1:2-3, 12 ) ● Minsan sinusubok ka ng Diyos para lumabas ang totoo kung tunay ka nga bang naglilingkod sa kanya.... Santiago 1:2-3,12 [2]Mga kapatid, magalak kayo kapag kayo'y dumaranas ng iba't ibang uri ng pagsubok. [3]Dapat ninyong malaman na napatatatag ang ating pananampalataya sa pamamagitan ng mga pagsubok. [12]Mapalad ang taong nananatiling tapat sa kabila ng mga pagsubok; sapagkat matapos siyang subukin, tatanggap siya ng gantimpala ng buhay, na ipinangako ng Panginoon sa mga umiibig sa kanya. Conclusion: Dumating man ang mga paguusig, pagtitiis, tukso, pagsubok, hindi na natin ito ikagulat, ang kailangan nating gawin ay ang magpakatatag at magpakatibay, laging manalangin sa Diyos at maging masigasig sa gawain upang mas lalo kang umalab sa paglilingkod...