У нас вы можете посмотреть бесплатно Tatlong dalagita na sumali sa gang, nasagip sa Maynila | ABS-CBN News или скачать в максимальном доступном качестве, видео которое было загружено на ютуб. Для загрузки выберите вариант из формы ниже:
Если кнопки скачивания не
загрузились
НАЖМИТЕ ЗДЕСЬ или обновите страницу
Если возникают проблемы со скачиванием видео, пожалуйста напишите в поддержку по адресу внизу
страницы.
Спасибо за использование сервиса ClipSaver.ru
Nasagip ng Manila Police District ang tatlong dalagita matapos umanong i-recruit ng 35-anyos na lalaki sa isang gang sa Sampaloc, Maynila, Lunes ng hapon, Setyembre 15, 2025. Ang suspek pinapipili ang mga biktima kung ‘hirap’ o ‘sarap’ ang gustong initiation rites. Unang nabiktima ng lalaki ang dalawang dalagita na edad 13 at 14 anyos. Pinili nila ang ‘sarap’ kaya sila’y pinagsamantalahan. Ang isa sa kanila, navideohan ang ritwal na ginagawa ng suspek sa mga marerecruit sa sinasabing gang–Minamarkahan ang kamay gamit ang nakasinding sigarilyo. Ayon sa PNP, nagsumbong ang unang dalawang biktima matapos ang insidente. Agad nagkasa ng entrapment operation ang pulisya nang ayain din ng suspek ang kaibigan ng una niyang mga nabiktima. “Kaya kami napunta sa entrapment operation kasi may kaibigan pa sila na nirerecruit ulit. Nirerecruit sila through online, social media, itong mga batang ito. Then makikipagkita na ‘yung mga bata, tapos tatanungin ‘yung mga bata kung hirap o sarap,” sabi ni Police Captain Veronica Apresurado, Women and Children Concern Section - Manila Police District, Chief Nagbabanta umano ang suspek na masasaktan ang sinumang pipili ng ‘hirap’ kapag gustong sumali sa gang. “Tatakutin niya na kapag hirap ang pinili mo, mamamaga ‘yung mukha mo, kaya walang magawa itong mga bata ito at pinipili ‘yung sarap. ‘Yung sarap, ‘yun na ‘yung gagamitin niya ‘yung mga bata,” pahayag ni PCpt. Apresurado. Ayon sa PNP, nalilinlang ang mga biktima na naghahanap ng mapabibilangang grupo sa pangako ng suspek. “‘Yun ‘yung security na mayroon silang mga kasama. May mapagsasabihan sila nung sama ng loob nila. Mga kaibigan na hindi naman, nagkakaroon ng deception. Dahil mga bata eh napakadaling utuin,” ayon kay PCpt. Apresurado. Lumabas sa imbestigasyon na hindi naman pala miyembro ng gang ang lalaki at ginagamit lang itong dahilan para makapangbiktima. Sa CCTV nasapul ang suspek na nadulas matapos na mabilisang tumakas sa hotel kung saan isasagawa na niya ang pananamantala sa panibagong dalagitang biktima. “May mga kasama itong suspek sa labas, tinimbrehan siyang may mga papasok na pulis, kaya papasok pa lang kami, tumakbo na siya, tumalon siya sa hagdanan tapos napilay siya, tapos tumakbo ulit, nadulas siya, kaya naabutan siya ng mga pulis natin,” kwento ni PCpt. Apresurado. Naaresto ang suspek sa Macaraig Street matapos makipaghabulan sa mga operatiba. Kasama niya ring naaresto ang kasabwat na 42-anyos na lalaki na siyang naghahatid ng mga biktima sa hotel. Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Anti-Trafficking in Person, Cybercrime Prevention Act of 2012, Anti-Hazing Act at Grave Coercion. Tumanggi na silang magbigay ng pahayag. Isinailalim na sa counseling ang mga dalagita. “Sa ating mga magulang, bantayan po natin ang ating mga anak. ‘Yung mga kausap nila sa social media. Maging responsable tayo sa pag-aalaga,” dagdag ni PCpt. Apresurado. Subscribe to the ABS-CBN News channel! - http://bit.ly/TheABSCBNNews Watch full episodes on iWantTFC for FREE here: http://iwanttfc.com Visit our website at http://news.abs-cbn.com Facebook: / abscbnnews Twitter: / abscbnnews Instagram: / abscbnnews #ABSCBNNews #TVPatrol #CrimePH #Manila #ProtectOurChildren