У нас вы можете посмотреть бесплатно TV Patrol: Pagharap ng Real, Quezon sa trahedya ng landslide или скачать в максимальном доступном качестве, видео которое было загружено на ютуб. Для загрузки выберите вариант из формы ниже:
Если кнопки скачивания не
загрузились
НАЖМИТЕ ЗДЕСЬ или обновите страницу
Если возникают проблемы со скачиванием видео, пожалуйста напишите в поддержку по адресу внизу
страницы.
Спасибо за использование сервиса ClipSaver.ru
Iniwan ng Bagyong Winnie ang matinding pagbaha at pagguho ng lupa noong dulo ng 2004. Pinakamalala ang destruksyon sa Real, Quezon. Nagtungo agad doon ang mga Patrol ng Pilipino upang sundan ang paghanap sa mga nawawala, paghatid ng tulong, at pag-antabay sa pagdaan ng isa pang bagyo, ang Yoyong. Narito ang ilan nilang mga ulat. (Babala: May mga naglalaman ng graphic na video ng mga nasawi) 1. Sinuong ng mga sundalo, kasama ng grupo ni reporter Shiela Dionisio ang mga malalaking bato at malalim na putik upang mamahagi ng pagkain, gamot, at tubig sa mga bayang nasarhan ng landslide. 2. Live mula sa isang nawasak na baryo, inalam ni TV Patrol anchor Karen Davila ang epekto ng ganti ng kalikasan sa mga mamamayan na walang ibang ikabubuhay bukod sa ilegal na pangangahoy. 3. Ulat ni Charo Logarta ang paggamit ng ABS-CBN Sky Patrol upang masilip ang tindi ng pinsala at ang mga lugar na hindi pa naaabot ng tulong. Nanawagan ang sakay nito na si Aida Gonzales para sa mga nasugatang kailangang ilipad sa Maynila. 4. Dahil sa pagtila ng ulan, napasok ng grupo nina Jing Castañeda ang Barangay Tignuan, kinatayuan ng gumuhong Repador Building. Maraming pamilya na sumilong doon ang ilang araw nabaon bago nakita o nahukay. (Mula sa TV Patrol World, kasama sina Karen Davila, Julius Babao, at Ted Failon, 3 Disyembre 2004) #ABSCBNNews #ABSCBNNewsTVPatrol