У нас вы можете посмотреть бесплатно NASAAN NA SI JOVELYN GALLENO? или скачать в максимальном доступном качестве, видео которое было загружено на ютуб. Для загрузки выберите вариант из формы ниже:
Если кнопки скачивания не
загрузились
НАЖМИТЕ ЗДЕСЬ или обновите страницу
Если возникают проблемы со скачиванием видео, пожалуйста напишите в поддержку по адресу внизу
страницы.
Спасибо за использование сервиса ClipSaver.ru
Magtatatlong taon na tol nang maganap ang misteryosong pagkawala ni Jovelyn Galleno noong August 05, 2022, ang araw kung saan tuluyang binura ang katahimikan ng Puerto Princesa, Palawan at nagtanim ng tanong na hanggang ngayon ay walang kasagutan. Sinasabi ng mga kapulisan at base na rin sa mga DNA test na isinagawa, tunay na ang mga natagpuang kalansay sa talahiban ay kay Jovelyn. Pero, marami ang hindi naniniwala at hindi makapaniwala na paanong magiging buto nalang kaagad ang bangkay ng biktima sa loob lamang ng tatlong linggo. Ang lalaking umamin sa krimen ay mismong pinsan niya ngunit bigla ring binawi at sinabing pinilit at tinakot lang daw siya. Nagsanib pwersa na sa imbestigasyon ang PNP at NBI, nagsagawa ng Polygraph test, DNA test, media circus, lahat ay umikot, pero tila walang direksyon. Bakit nga kaya bigla na lang ding tumahimik at lumamig ang kasong ito ngayon? Nakamit nga ba talaga ang hustisiya? Nasaan na nga ba si Jovelyn Galleno? Totoo ba ang sabi-sabing buhay siya at may nakakita sa kaniya? Si Jovelyn Galleno ay isang 22-taóng gulang na dalaga mula sa Puerto Princesa, Palawan. Isang third-year Criminology student si Jovelyn na nagsusumikap makapagtapos habang tumutulong sa pamilya. Kaya naman nagta-trabaho siya bilang saleslady sa isang boutique shop sa Robinsons Place Palawan – isang malaking mall sa lungsod. Kilala si Jovelyn bilang responsableng anak at kapatid. Lagi niyang ibinabalita sa kanyang ina at mga kapatid kung nasaan na siya at kung kailan siya uuwi sa bahay. May mga pangarap siyang mai-ahon ang pamilya sa hirap balang araw, kaya’t kahit estudyante ay doble-kayod din siya sa trabaho. Hindi nila akalain na ang kanyang kaalaman sa kriminolohiya ay mailalapit sa isang krimeng siya mismo ang biktima. True Crime Tagalog | Tagalog Crime Stories