У нас вы можете посмотреть бесплатно NASAAN NA SI JONEL NUEZCA? или скачать в максимальном доступном качестве, видео которое было загружено на ютуб. Для загрузки выберите вариант из формы ниже:
Если кнопки скачивания не
загрузились
НАЖМИТЕ ЗДЕСЬ или обновите страницу
Если возникают проблемы со скачиванием видео, пожалуйста напишите в поддержку по адресу внизу
страницы.
Спасибо за использование сервиса ClipSaver.ru
Ang mga biktima ay kinilalang sina Sonya Gregorio, 52 taong gulang, at ang kanyang anak na si Frank Gregorio, 25 taong gulang. Si Sonya, na kilala bilang Aling Sonya, ay dating guro bago siya ikinasal sa truck driver na si Florentino at nagdesisyong iwan ang kanyang propesyon upang alagaan ang kanilang mga anak. Ngunit, nang mag-umpisa ang pandemya at naging module-based ang pag-aaral, tila naging guro ulit si Aling Sonya sa kanyang mga apo. Si Jonel Nuezca ay ipinanganak noong Oktubre 17, 1974, na tubong Urdaneta, Pangasinan. Ang insidente ay kinondena ng publiko, Commission on Human Rights, Human Rights Watch, at ng mga opisyal ng gobyerno, na nanawagan sa PNP na agarang bigyan ng hustisya ang mga biktima. Ayon sa inisyal na imbestigasyon, bandang 5:10 ng hapon, umuwi si Nuezca sa kanyang bahay sa Barangay Cabayaoasan mula sa kanyang duty sa police crime lab sa Parañaque. Ang dapat sana ay mapayapang pahinga ay naudlot dahil sa malakas na ingay na nanggagaling sa labas ng kanilang bahay, na ikinairita niya, at ng kanilang labingtatlong taong gulang na anak na babae. Ang mag-ama ay lumabas upang komprontahin ang pamilyang Gregorio at alamin kung sino ang pasimuno ng ingay. Nalaman nila na ang ingay ay mula sa isang boga, isang improvised canon na karaniwang gawa sa kawayan o PVC, o ng magkakabit na mga lata na ginagamit para gumawa ng ingay lalo na sa Bagong Taon. Sa mga naunang ulat, hindi pa tiyak kung nakumpirma ba ni Nuezca na si Frank ang nagpaputok ng boga. Subalit, sa interview kay Tasha Delos Santos, kapatid ni Frank, kinumpirma niyang ang kanyang kapatid nga ang nagpaputok. Sa init ng ulo, sinuntok ni Nuezca si Frank. Ang insidenteng ito ay nakita ni Sonya, ina ni Frank, kaya't tinangka niyang awatin ang dalawa. Gusto ni Nuezca na arestuhin ang tila lasing na si Frank at dalhin sa presinto, ngunit hindi malinaw kung anong kaso ang isasampa laban sa kanya. Subalit, si Sonya, makikita na niyayakap at pinoprotektahan ang kanyang anak na si Frank habang sinisikap pigilan siya sa pakikipagtalo kay Nuezca. Ayon kay Tasha, may mga salitang binigkas si Frank bago ang insidente na hindi narinig ng karamihan dahil sa ingay ng mga taong umiiyak at sumisigaw sa video. Sinabi ni Frank kay Nuezca, "Matapang ka lamang dahil meron kang baril," na sinagot naman ni Nuezca ng, "Magpulis ka rin para magkaroon ka ng baril!" Nang tumanggi si Frank na sumama, sinabi ni Nuezca na hihintayin niya ang mga barangay official para dalhin si Frank sa presinto, ngunit lumala pa ang sitwasyon. Sa video, makikita na ang anak ni Nuezca ay pinilit si Sonya na bitawan si Frank. Sa tensyonadong sitwasyon, narinig ang anak ni Nuezca na sumisigaw kay Sonia ng "My father is a policeman!", sumagot naman si Soniya ng "I don’t care, eh eh eh eh eh!" True Crime Tagalog | Tagalog Crime Stories