У нас вы можете посмотреть бесплатно The Case of Kristel Candelario - Ang Inang Iniwang Mamatay ang Anak Para Magbakasyon или скачать в максимальном доступном качестве, видео которое было загружено на ютуб. Для загрузки выберите вариант из формы ниже:
Если кнопки скачивания не
загрузились
НАЖМИТЕ ЗДЕСЬ или обновите страницу
Если возникают проблемы со скачиванием видео, пожалуйста напишите в поддержку по адресу внизу
страницы.
Спасибо за использование сервиса ClipSaver.ru
The Case of Kristel Candelario Nababalot ng ihi, tae, tuyot at lubog ang mga ata. Sa ganiyang kalagayan natagpuan sa loob ng isang bahay ang bangkay ng batang nasa isang taong gulang pa lamang. Ano kayang nangyari sa kaniya? At nasaan yung magulang niya na dapat ay nag aalaga at nag aaruga sa kaniya? Paano kung dahil sa kapabayaan ng isang ina ay mag isang magdusa at mamatay sa gutom at paghihirap ang isang sanggol sa loob ng sampung malalamig na araw? Matatawag pa ba natin siya na isang ina o mamamatay tao na? June 2023 - Patuloy na pag iyak ng batang si Jailyn sa gabi ang pauilt ulit na narinig sa CCTV footage ng isa sa kanilang mga kapitbahay. Ang footage na ito ay isa lamang sa mga patunay ng paghihirap at paghingi ng saklolo ng labing anim na buwang bata na iniwang mag isa ng kaniyang ina, hindi lamang sa loob ng ilang oras kundi sa loob ng sampung mahahabang araw. Sampung araw na tila impyerno para sa isang sanggol na wala pa naman alam gawin sa buhay kundi ang umasa sa mga nakatatanda sa kanya. Sampung araw na kahit ilang ulit siyang pumalahaw ng iyak ay walang nakarinig at walang sumaklolo sakanya. Taong 2023, dahil nga palapit na ang bakasyon, ang panahong inaabangan ni Kristel para magawa na niya yung gusto niya, nagplano agad ng travel escapade at bakasyon si Kristel Candelario, ang nanay ng biktima. Base sa kuha ng mga CCTV sa paligid ng bahay nila, nakita siyang umalis ng tahanan noong June 6 pa lamang dala ang isang suitcase. Napag alaman na bago pa man makipagkita sa bagong boyfriend na makakasama sa Puerto Rico ay dumaan muna siya para kitain ang isa pa niyang boyfriend na naroon naman sa Detroit. June 11, muling nakabalik ng U.S. si Kristel, pero sa halip na dumiretso pauwi sa sariling bahay ay nanatili pa siya sa detroit ng ilang araw kasama ang mga kaibigan. June 16, 2023,, mga bandang 7:36 AM muling nakita sa CCTV Footage si Kristel nang siya ay makabalik sa sarili nilang tahanan sa Ohio. Dito na nagsimula ang paglagim ng mga pangyayari. Ang batang si Jailyn, nasa loob ng kuna, nakahiga sa isang sapin na punong puno ng ihi, tae at napakaruming kumot. Ayon sa mga emergency responders, ang bata ay extremely dehydrated at wala nang buhay nang matagpuan nila. Noong una ay Sinubukan pa ni Kristel na magtahi tahi ng kwento, na kesyo nagtrabaho daw siya kaya iniiwan iwan niya ito at kung ano ano pa pero sa huli ay napaamin din siyang umalis sya at iniwan ang kawawang si Jailyn mag isa para magbakasyon kasama ang boyfriend niya. Base sa nangyaring imbestigasyon, ang naging primary cause of death ng bata sa loob ng sampung araw ay starvation at dehydration. Gutom at pagkauhaw. Naiimagine nyo ba? Ayon pa sa imbestigasyon, maaaring as early as June 9 - June 13 ay di na kinaya at binawian na ng buhay ang bata dahil hindi nito kakayaning umabot ng sampung araw ng walang tubig at pagkain. Nasampahan ng kasong murder with possibility of death penaltry si Kristel. Umamin naman siya sa mga nagawa at sa huli ay nasentensyahan ng aggravated murder at child endangerment. March 18, 2024, nasentensiyahan ng panghabang buhay na pagkakakulong si Kristel. Sentensyang hindi maaaring bigyan ng parole. Kung ikaw ang tatanungin, tama bang habang buhay na pagkakakulong ang naging hatol kay kristel? O mas dapat bang napatawan siya ng death penalty kapalit ng krimen at kapabayaang nagawa niya sa sarili niyang anak? Sali ka na sa #TeamThirdie. Subscribe na! http://bit.ly/ClaroTheThird TIKTOK - / clarotheiii INSTAGRAM - / clarothethird FACEBOOK - www.facebook.com/TeamThirdie