У нас вы можете посмотреть бесплатно PAKIUSAP или скачать в максимальном доступном качестве, видео которое было загружено на ютуб. Для загрузки выберите вариант из формы ниже:
Если кнопки скачивания не
загрузились
НАЖМИТЕ ЗДЕСЬ или обновите страницу
Если возникают проблемы со скачиванием видео, пожалуйста напишите в поддержку по адресу внизу
страницы.
Спасибо за использование сервиса ClipSaver.ru
PAKIUSAP Homiliya para sa Miyerkoles ng Abo 18 Pebrero 2026, Mat 6:1-6, 16-18 Isa sa mga itinuturing kong magic words sa Tagalog ay ang salitang “paki-”. May magic ito kapag idinugtong bilang unlapi sa anumang pandiwa. Ang matigas na utos ay pinalalambot ng salitang paki-. Halimbawa: ang usap, pag ginawang pakiusap, mas malamang na sisiryosohin dahil mas magalang ang dating. Sabi ng isang kakilala kong janitor—“Ang sarap sumunod sa boss ko dahil kapag may ipinagagawa sa akin, laging may “paki-“at malumanay ang pagkakasabi: “Mang Kardo, paki-punasan nga ang mesa ko? Nasagi ko kasi ang tasa at tumilapon ang kape ko.” Biro mo, presidente na siya ng kumpanya, imbes na mag-utos, nakikiusap? Sino bang di susunod kaagad? Doon, boss lang sa opisina ang nakikiusap. Sa ating una at pangalawang pagbasa, ang nakikiusap ay Panginoon mismo at mga sugo niya! Ito ang dahilan kung bakit malakas ang dating ng ating unang pagbasa mula kay propeta Joel at ang pangalawang pagbasa mula kay San Pablo, dahil parehong nakikiusap ang tono. Hindi nananakot, hindi nagpapahayag ng babala. Pero mas tumatalab. Bakit? Parehong nananawagan ng pagbabalik-loob o pakikipagkasundo, pero hindi nanunumbat tungkol sa kasalanan o nag-aamba ng parusa. Naranasan mo na ba ang makagawa ng kasalanan at takot kang umuwi dahil alam mong mapapagalitan ka ng tatay mo? Pero uuwi ka pa rin dahil pinakiusapan ka ng nanay mo? Dahil nagawa niyang alisin ang takot sa loob mo dahil sinabi niya, “Anak, pakiusap, umuwi ka na. Hindi naman galit ang tatay mo sa iyo. Galit lang siya sa ginawa mo. Masama ang loob niya dahil mahal ka niya. Ayaw ka niyang mapariwara. Kaya nga siya nagpapakahirap sa trabaho para mabigyan ka ng mabuting kinabukasan. Sige na magsorry ka na sa kanya.” Sino ang hindi mapapa-sorry pag ganoon? Ang abo na ipinapahid sa noo natin kapag Miyerkoles ng Abo ay parang ganyan din ang kahulugan: isang pakiusap, isang panawagan ng Diyos sa tao na magbalik-loob sa kanya. May nagtanong na sa akin minsan kung hindi daw ba magkasalungat itong ritwal natin ng pagpapahid ng abo sa noo at ang sinasabi ni Hesus sa ebanghelyo? Paulit-ulit na pinakakadiin ng Panginoon na mas mabuting gawin ang pananalangin, pagkakawanggawa, at pag-aayuno na patago o palihim. E ba’t ba daw ba ipinapakita natin? Minsan ganyan talaga kung magsalita si Hesus, medyo exaggerated ang dating. Di ba minsan nasabi rin niya: kung kamay, o dila, o anumang bahagi ng katawan natin ang maging sanhi ng pagkakasala, putulin natin? Pero di naman natin ginagawa dahil may common sense tayo; alam natin na hindi naman ganoon ang punto niya. Sa tatlong halimbawa ng pagpapahayag ng penitensya o pagsisisi at pagbabalik-loob, ang punto lang ng Panginoon ay: laging isaisip ang hangarin o layunin. Dahil nawawalan ng kabuluhan ang ating pananalangin, pagkakawanggawa o pag-aayuno kapag ang nakatagong layunin sa kalooban natin ay ang magpakitang-tao, magkunwari, o magbanal-banalan? Sino’ng niloko natin gayung nakikita ng Diyos ang kaloob-looban natin? Kung lahat ng dasal ay dapat patago, edi dapat hindi na lang tayo magsimba? Totoong madalas magdasal si Hesus na mag-isa sa mga ilang na lugar, pero sumasama din siyang magdasal at sumamba sa mga lugar na pampubliko, tulad ng sinagoga at templo. Ang nagmamahal kasi hindi hinahayaang itago lang sa loob niya ang nararamdaman niya—ipinahahayag niya ito, ipinakikita, ipinadadama, isinasagawa sa panlabas. Napakaganda ng timing ng kuwaresma ngayong taon 2026. Bakit? Sumabay ito sa 40th anniversary ng EDSA people power na nangyari noong 1986. Napakagandang paalala lalo na sa konteksto ng krisis na kinakaharap natin ngayon tungkol sa korapsyon, di lang sa flood control kundi sa lahat ng government infrastructure projects. Ang good news ay: ang yaman pala ng Pilipinas. Ang bad news ay, kaya pala nananatiling dukha ang marami sa atin dahil winawaldas ang kabang-yaman ng bansa imbes na magamit sa mga serbisyong pampubliko. Lumaya nga tayo sa diktadura pero hindi pa rin natin mawakasan ang mga political dynasties. Naibalik nga natin ang demokrasya sa bansa, pero inutil pa rin ang mga institusyon ng pamahalaan natin. Namamayagpag pa rin ang politika ng pagpapatron na dahilan kung bakit paulit-ulit na sinisingitan ng pork barrel ang national budget at nawawaldas ang ating pondong pampubliko. Hindi pa rin patas ang ating justice system, at hindi pa rin napapanagot ang mga kurakot. Hinohostage ang mahihirap sa kultura ng ayuda, at ginagawang negosyo ang pulitika, kaya walang maayos na serbisyong pampubliko at overpriced, substandard o nauuwing ghost ang mga infrastructure projects. Ibig sabihin, talagang mahabang lakbayin ang disyertong kailangang tawirin patungo sa ganap na kalayaan mula sa pagkaalipin. Walang short cut sa pagitan ng Ehipto at Lupang Pangako. Marami na tayong napagtagumpayan, pero maraming pa ring mga pagsubok ang kailangang harapin. Katulad ng bayang Israel, natutukso rin tayong masiraan ng loob, umatras ...