У нас вы можете посмотреть бесплатно FILIPINO HOLY MASS TODAY LIVE at Santo Padre Pio National Shrine - Batangas. Dec 15, 2025. 6a.m или скачать в максимальном доступном качестве, видео которое было загружено на ютуб. Для загрузки выберите вариант из формы ниже:
Если кнопки скачивания не
загрузились
НАЖМИТЕ ЗДЕСЬ или обновите страницу
Если возникают проблемы со скачиванием видео, пожалуйста напишите в поддержку по адресу внизу
страницы.
Спасибо за использование сервиса ClipSaver.ru
HEALING MASS (I) December 15, 2025 Lunes sa Ikatlong Linggo sa Panahon ng Pagdating ng Panginoon 3rd Week of ADVENT || Healing Monday Mass BANAL NA MISA UNANG PAGBASA Mga Bilang 24, 2-7. 15-17a Pagbasa mula sa aklat ng Mga Bilang Noong mga araw na iyon, nakita ni Balaam ang kampo ng Israel, sama-sama bawat lipi. Nilukuban siya ng Espiritu ng Panginoon at siya’y nagpahayag: “Ang pahayag ni Balaam na anak ni Beor ang pahayag ng taong may malinaw na paningin. Ang salita ng nakikinig sa salita ng Diyos, ng nakakikita sa pangitain buhat sa Makapangyarihan, ng nabulagta sa lupa gayunma’y nanatiling malinaw ang paningin: Anong ganda, O Jacob, ng iyong mga tolda kay inam, O Israel, ng iyong tirahan. Wari’y kapatagang napakalawak, parang hardin sa baybay ng batis. Wari’y punongkahoy na mabango, itinanim ng Panginoon, matataas na punong sedro sa tabi ng mga bukal. Ang tubig ay umaapaw sa lahat niyang sisidlan, kapangyarihan niya’y madarama sa lahat ng lugar. Ang hari niya ay higit na malakas kaysa kay Agag, at ang kaharian niya ay napakalawak.” Muling nagpahayag si Balaam: “Ang orakulo ni Balaam na anak ni Beor ang orakulo ng taong may malinaw na paningin. Ang pahayag ko na nakikinig sa salita ng Diyos at nakababatid sa kalooban ng Kataas-taasan. Nakikita sa pangitain ng Makapangyarihan maaaring mabuwal ako gayunma’y malinaw ang aking paningin. Nakikita ko ngunit hindi ngayon, siya’y aking namamalas ngunit hindi sa malapit. Isang tala ay sisikat mula sa lahi ni Jacob, lilitaw ang isang hari mula sa lipi ni Israel.” Ang Salita ng Diyos. SALMONG TUGUNAN Salmo 24, 4bk-5ab. 6-7bk. 8-9 Poon, ako’y gabayan mo sa landas patungo sa ‘yo. Ang kalooban mo’y ituro, O Diyos, ituro mo sana sa aba mong lingkod; ayon sa matuwid, ako ay turuan ituro mo, Poon, ang katotohanan; Tagapagligtas ko na inaasahan. Poon, ako’y gabayan mo sa landas patungo sa ‘yo. Poon, gunitain, pag-ibig mong wagas, at ang kabutihang noon pa’y nahayag. Pagkat pag-ibig mo’y hindi nagmamaliw, ako sana, Poon, ay alalahanin! Poon, ako’y gabayan mo sa landas patungo sa ‘yo. Mabuti ang Poon at makatarungan, sa mga salari’y guro at patnubay; sa mababang-loob siya yaong gabay, at nagtuturo ng kanyang kalooban. Poon, ako’y gabayan mo sa landas patungo sa ‘yo. ALELUYA Salmo 84, 8 Aleluya! Aleluya! Pag-ibig mo’y ipakita, lingapin kami tuwina, iligtas kami sa dusa! Aleluya! Aleluya! MABUTING BALITA Mateo 21, 23-27 Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo Noong panahong iyon, pumasok si Hesus sa templo. Samantalang nagtuturo siya, lumapit sa kanya ang mga punong saserdote at ang matatanda ng bayan at siya’y tinanong, “Ano ang karapatan mong gumawa ng mga bagay na ito? Sino ang nagbigay sa iyo ng karapatang ito?” Sumagot si Hesus, “Tatanungin ko rin kayo. Kapag sinagot ninyo ako, saka ko naman sasabihin sa inyo kung ano ang karapatan kong gumawa ng mga bagay na ito. Kanino nagmula ang karapatan ni Juan upang magbinyag – sa Diyos ba o sa tao?” At sila’y nagusap-usap: “Kung sabihin nating mula sa Diyos, sasabihin naman niya sa atin, ‘Bakit hindi ninyo siya pinaniwalaan?’ Ngunit kung sabihin nating mula sa tao baka naman kung ano ang gawin sa atin ng bayan, sapagkat kinikilala ng lahat na si Juan ay isang propeta.” Kaya’t sumagot sila kay Hesus, “Hindi namin alam!” Sinabi niya, “Hindi ko rin sasabihin sa inyo kung ano ang karapatan kong gumawa ng mga ginagawa ko.” Ang Mabuting Balita ng Panginoon. #onlinemass #livestreammass #padrepiomass #FilipinoLiveMass Roman Catholic Archdiocese of Lipa (RCAL) Parish and National Shrine of Saint Padre Pio - Batangas