У нас вы можете посмотреть бесплатно Lalaking nang-hostage ng 2 anyos na bata, arestado sa Quezon Memorial Circle | ABS-CBN News или скачать в максимальном доступном качестве, видео которое было загружено на ютуб. Для загрузки выберите вариант из формы ниже:
Если кнопки скачивания не
загрузились
НАЖМИТЕ ЗДЕСЬ или обновите страницу
Если возникают проблемы со скачиванием видео, пожалуйста напишите в поддержку по адресу внизу
страницы.
Спасибо за использование сервиса ClipSaver.ru
Isang 2-taong gulang na bata ang hinostage sa Barangay Pasong Tamo sa Quezon City, pasado alas-10, Martes ng gabi, ika-25 ng Marso, 2025. Ayon kay Carlos Malinao ang lolo ng biktima, pumasok sa kanilang bahay ang 41-anyos na suspek na may dalang itak at agad na kinuha ang bata. “Bigla nalang kumalabog ‘yung pintuan namin. Napabangon ako. Pagbangon ko, sumigaw ‘yung anak ko […] ‘Patayin mo ang ilaw. ‘Wag kayong lalapit. Patayin niyo ilaw.’ Pinatay namin ang ilaw,” kuwento ni Malinao. Ayon kay Malinao, kakilala nila ang suspek dahil kaibigan siya ng ama ng hinostage na bata. Matapos kunin ang bata, inutusan sila na dalhin siya sa Los Baños sa Laguna kung saan nakatira ang kapatid ng suspek. Dahil sa takot, sumunod sila sa hiling ng suspek.Kasama rin sa sumakay sa jeepney ang asawa ng suspek at mga magulangng bata. Mismong si Malinao na ang nagdrive ng sasakyan papuntang Los Baños. Ang mas kinabahala nila dahil habang nasa biyahe patuloy na binabantaan sila na papatayin ang hawak na bata. “Napapapikit nalang ang mata ko ‘pag itinututok doon sa mukha ng apo ko ‘yung kutsilyo,” sabi ni Malinao. Dagdag ni Malinao, mas lalong nagalit ang suspek nang may ambulansyang dahan-dahang umaandar sa harap ng jeep sa bahagi ng Quezon City Memorial Circle. Dumating din ang service ng barangay kaya bumaba ang suspek bitbit ang bata. Para makatakas sumakay ng van ang lalaki pero bumaba rin. Sunod naman na ginawa ng suspek umangkas sa dumaang motorsiklo. Pero pinagsusuntok niya ang driver ng motorsiklo na nagresulta para matumba sila. Dito na na-aresto ng mga rumespondeng pulis at taga-barangay ang suspek. “Sumakay po siya ng isang van tapos pumara po, tumalon. Kaya po namin siya nahuli po ay mayroon po isang angkas ng single motor na sumakay siya na pinagsusuntok po niya. Natakot po ‘yung isang angkas. Tumumba po ‘yung motor.” ayon kay Bgy. Pasong Tamo BPSO Team Leader Mario Delos Santos Ayon sa barangay, nagtamo ng mga gasgas sa dibdib ang dalawang taong gulang na bata at nagpapagaling na sa ospital,. Nagtamo rin ng sugat ang ama ng bata na tinaga ng suspek at pinagsusuntok din ang ina ng bata sa dibdib habang nasa loob ng jeep. May isa ring pulis na nasugatan sa hostage taking. “‘Yung aking anak, nataga niya dito kasi pinapasok siya doon sa loob. Tinaga niya,” ani Malinao. Sugatan din ang 41-anyos na suspek dahil sinubukan pa niyang tumakas habang nasa loob ng police mobile. Mahaharap sa reklamong 3 counts ng attempted murder, grave threats, malicious mischief, disobedience/resistance to agent of person and authority, at alarms and scandals. For more ABS-CBN News videos, click the link below: • ABS-CBN News For more Breaking News & Live Coverage videos, click the link below: • Breaking News & Live Coverage For more latest news and analysis from ABS-CBN News videos, click the link below: • The latest news and analysis from ABS-CBN ... For more News Digital News Raw Cuts, click the link below: • News Digital Raw Cuts Subscribe to the ABS-CBN News channel! - http://bit.ly/TheABSCBNNews Watch full episodes on iWantTFC for FREE here: http://iwanttfc.com Visit our website at http://news.abs-cbn.com Facebook: / abscbnnews Twitter: / abscbnnews Instagram: / abscbnnews #NewsDigital #LatestNews #ABSCBNNews