У нас вы можете посмотреть бесплатно BAKIT LUMABAS ANG LAMANG LOOB NI JUDAS NUNG SIYA AY NAGBIGTI? Ang kwento ni Judas Iscariot sa Bible или скачать в максимальном доступном качестве, которое было загружено на ютуб. Для скачивания выберите вариант из формы ниже:
Если кнопки скачивания не
загрузились
НАЖМИТЕ ЗДЕСЬ или обновите страницу
Если возникают проблемы со скачиванием, пожалуйста напишите в поддержку по адресу внизу
страницы.
Спасибо за использование сервиса ClipSaver.ru
Paano nga ba namatay si Judas Iscariot? Maraming nagsasabing mayroong "contradiction" o salungat sa Bibliya, lalo na sa mga detalye ng pagkamatay ni Judas. Ayon kay Matthew sa chapter 27:5, si Judas ay nagbigti. Ngunit ayon naman kay Lucas na sumulat ng Acts, sa chapter 1:18, nahulog siya patiwarik, pumutok ang kanyang tiyan kaya't lumabas ang kanyang bituka o mga lamang loob. Kaya ano nga ba talaga ang nangyari? Si Judas Iscariot ay kilalang-kilala sa kasaysayan, bilang isa sa Labindalawang Apostol ni Hesu Cristo na nagtaksil sa Kanya. Ipinanganak si Judas sa rehiyon ng Judeya, kung kaya't iba siya sa mga ibang alagad na galing sa Galileya. Ang kanyang apelyido na "Iscariot," ay posibleng nagmula sa "Ish Kerioth" na isang bayan sa Judeya. Noong panahong iyon, karaniwan ang pangalang Judas, at may ilang ibang Judas na binanggit sa new testament. Isa sa mga alagad ay may pangalang Judas na mababasa sa John fourteen verse twenty two, at ganoon din ang isa sa mga kapatid sa ina ni Jesus sa Marc six verse three. Tinukoy naman sa John six verse seventy one, ang taksil na si Judas bilang “Judas, anak ni Simon Iscariot.” Saan nga ba napunta ang kaluluwa ni Judas? Maraming nag sasabi na si Judas ay napunta sa impyerno. Sabi sa John seventeen verse twelve. Habang ako'y kasama nila, iningatan ko sila sa iyong pangalan, sila na ibinigay mo sa akin. Sila'y binantayan ko, at isa man sa kanila ay walang napahamak, maliban sa anak ng kapahamakan, upang matupad ang kasulatan. Dito sinabi ni Jesus na walang napahamak sa mga apostol, maliban lang kay Judas. Alam mo bang dalawang tao lamang ang tinawag na “anak ng kapahamakan” sa Bib-li-ya. Si Judas na naba-sa natin kanina, at ang Anti kristo na mababasa sa second tessalonians two verse three. Huwag kayong padaya kanino man sa anumang paraan, sapagkat ito'y hindi darating malibang maunang maganap ang pagtalikod, at mahayag ang taong makasalanan, ang anak ng kapahamakan. Ang salitang kapahamakan ay nangangahulugang “walang hanggang kapahamakan” o “ganap na pagkawasak.” Maaari rin itong gamitin bilang kasingkahulugan ng impiyerno. At sinabi din ni Jesus sa Matthew twenty six verse twenty four, na nabasa natin kanina. Mabuti pang hindi na siya ipinanganak. Sinasabi dito na si Judas ay mas mabuti pang hindi na ipinanganak, dahil mas matindi pa dito ang sasapitin niya sa impyerno. At ang isa pa na tinawag ni Jesus si Judas na Diyablo sa John six verse seventy. Sinabi ni Jesus sa kanila, “Hindi baʼt pinili ko kayong 12? Pero ang isa sa inyo ay diyablo!” MORAL LESSON Bakit ang pag-ibig sa salapi ang nagiging ugat ng lahat ng uri ng kasamaan? Ang kasakiman ang nagtutulak sa mga tao, na gumawa ng mga bagay na hindi nila normal na ginagawa. Sa mga palabas o balita sa telebisyon, ang mga krimen ay madalas na dulot ng inggit o kasakiman. Ang pag-ibig sa salapi ang nagtutulak sa mga tao na magsinungaling. Magnakaw. Mandaya. Magsugal. at pumatay. Ang mga nagmamahal sa salapi ay kulang sa kabanalan, subalit ang may contentment ang siyang tunay na kayamanan sa paningin ng Diyos. Ang pera ay hindi bank account issue, o economic issue, kundi ang pera ay isang heart issue. Dahil ang pera ay pinag-usapan ng Panginoong Hesus, at mahigit fifty percent ng Kanyang "parable" ay patungkol sa pera. At mas marami pang verses ang pera kesa sa verses ng langit at impyerno. Hindi labag sa Diyos na may hawak kang pera, labag sa Diyos kapag hawak ka na ng pera. Ang Diyos at ang Pera ay hindi magkaibigan. Sabi sa matthew six verse twenty four. Walang taong makapaglilingkod nang sabay sa dalawang a-mo. Sapagkat kapopootan niya ang isa at iibigin ang ikalawa, o kayaʼy magiging tapat siya sa isa at hahamakin ang ikalawa. Marami ka mang pera o wala, pwede ka pa din maging masaya. Wag ka lang mag focus sa pera, at hindi pera ang mag didigta ng kasiyahan mo. Sabi sa 1 Timothy chapter six verse six to nine. Kung sabagay, daig pa ng taong namumuhay nang banal at kontento na sa kalagayan ang mayaman. #12apostles #jesus #judasiscariot #biography #haliknijudas #hudas Credit Music by: Music Info: Motivational Epic Music - by SoulProdMusic. Music Link: https://bit.ly/3SGuXHW Copyright disclaimer: Songs, images, and graphics used in the video belong to the perspective owner. Copyright disclaimer under section 107 of the copyright act of 1976, allowance is made for fair use" for the purpose such as criticism, comment, news reporting, teaching, scholarship and research. Fair use is a use permitted by copyright statute that might otherwise be infringing. Non profit, educational or personal use tips the balance in favor of fair use.