 
                                У нас вы можете посмотреть бесплатно It’s Showtime October 24, 2025 | Full Episode или скачать в максимальном доступном качестве, видео которое было загружено на ютуб. Для загрузки выберите вариант из формы ниже:
                        Если кнопки скачивания не
                            загрузились
                            НАЖМИТЕ ЗДЕСЬ или обновите страницу
                        
                        Если возникают проблемы со скачиванием видео, пожалуйста напишите в поддержку по адресу внизу
                        страницы. 
                        Спасибо за использование сервиса ClipSaver.ru
                    
Labing-anim na taon ng tawanan at saya. Walang kupas ang ligaya sa lalim ng pinagsamahan ng “It’s Showtime” family at Madlang People. Kaya heto ang simpleng celebration na maghahatid ng good vibes for all. Syempre hindi mawawala ang inspirasyon, dahil ang motto natin, ‘di ba, ay maging tulay ng pag-asa. Lahat ay nakangiti at nagpalitan ng mga pagbati. Happy Anniversary! Naging tradisyon na ng “It’s Showtime” ang annual “Magpasikat” na ginaganap tuwing October to celebrate the show’s anniversary. Pero marami ang nagtatanong kung bakit walang ginanap na “Magpasikat” ngayong taon. In this episode, ipinaliwanag ni Vice Ganda kung bakit walang “Magpasikat” due to limited budget. Pero ang kapalit nito’y isang bonggang “Laro Laro Pick” week sa December kung saan mas maraming kuwento ng mga ordinaryong Pilipino ang mapakikinggan, at mas marami ang matutulungan. At kung ano pa ang ibang pasabog na hinahanda nila, abangan sa December na siguradong puno ng sorpresa! Tuloy-tuloy ang happiness at kulitan moments sa “Laro Laro Pick” game arena. Solo parents ang mga bumida. Nakilala natin si Michelle, ang single mom na may limang panganay. Sa gitna ng biruan, inalam ni Vice Ganda kung paano humantong si Michelle sa ganitong sitwasyon. Paulit-ulit pala siyang iniwan at niloko, pero paulit-ulit din na nagmamahal ang puso. Pinaalalahanan ni Vice si Michelle na makinig sa payo ng anak niya, na ang hiling sana ay huwag na lang siyang magmahal muli kung mauulit lang ang mga pagkakamali. Ramdam sa mga mata ni Nestor, isang tricycle driver, ang lungkot. Three years ago, inagaw ng aneurysm ang buhay ng kanyanng misis. Hahangaan mo ang katatagan ni Nestor, na sa pamamagitan ng pagta-tricycle ay naitataguyod ang pag-aaral ng tatlong anak. Ang pinakamahirap na pinagdadaanan niya ay ‘yung araw-araw miss niya si misis. Pero tinitibayan niya ang loob para sa tatlong anak. Hindi tuloy maiwasan ni ‘Meme’ na manggigil dahil hindi talaga madaling magpa-aral ng mga anak as a solo parent, samantalang ang mga anak at asawa ng mga politiko, mas inuuna pa ang pangongolekta ng luxury bags kaysa mamahagi ng tulong. Samantala, laugh trip ang mga ganap sa ‘It’s Giving” round kung saan ang kategorya ay pangalan ng mga regular Showtime hosts mula 2009 hanggang kasalukuyan. Sa sobrang kaba, naligaw na ang sagot ng mga players. Sino sina Vhong Hilario at Jhong Navarro? Eh, sina Jackie Manzano at Cianne Domingo? Ang saya ng biruan hanggang sa dumating na ang dulo ng laban. Nasaan na ang swerte? Ayun! Si Gloria ang dinapuan! In the mood for celebration ang lahat dahil 16th anniversary ng “It’s Showtime.” Kaya pagdating sa “Laro laro Pick” jackpot round, nag-shine ang generosity at bayanihan para si solo parent Gloria ay mabiyayaan. Nagtulong-tulong ang hosts para madagdagan ang POT money na umabot sa P400,000 matapos ang spontaneous ambagan. Pati si Billy Crawford, isa sa mga unang hosts ng show, ay naki-celebrate at nag-ambag sa papremyo. At hindi na rin pinahirapan ni Vice Ganda si Gloria. Siya na mismo ang nag-udyok na piliin nito ang POT question na, "Noong unang season ng It's Showtime, ano ang sinasabi ni Vice Ganda 'pag nahahawakan ang cell phone?” Sa tulong ng Madlang People sa studio, nakasagot nang tama si Gloria. “May nag-text!” sabi niya. Bumuhos ang ligaya sa pagkakapanalo ni Gloria, na hindi nakapagtapos ng pag-aaral at maagang nagsimulang magtrabaho. Dahil dito, Vice Ganda and Anne Curtis raised their voices para mailahad ang malungkot na kalagayan ng education system ng bansa. Mahirap man ang pinagdaanan, siguradong mababago ang buhay ni Gloria sa natanggap na biyaya! Sa ikalawang yugto ng Pangkatapatan ng “Tawag Ng Tanghalan” Year 9, init ng laban ay sagad hanggang dulo. Kapag Pangkat Luntian ni mentor Bituin Escalante pa rin ang nanalo, tutuloy na sila sa next round panigurado. Pero kung Pangat Bughaw ni mentor Mark Bautista ay nakabawi, may pag-asa pa! Mula sa Pangkat Luntian, ipinarinig ni Aaron Lao ang version niya ng “Welcome to the Black Parade,” at nagliyab nga ang studio sa energy ng performance niya. Pero siyempre, hindi rin magpapahuli ang Pangkat Bughaw! Bitbit ang kanyang medalya mula sa nakaraang round, buong confidence na sumalang si Rob James Limbawan, singing “Tennessee Whiskey.” Ayon kay hurado Billy Crawford, good job dahil nakinig si Rob sa payo ni mentor Mark na lagyan ng emosyon ang pagkanta. Bumilib din si Billy sa runs at riffs ni Rob. Ngayong anniversary ng “It’s Showtime,” itinanghal na panalo si Rob ng Pangkat Bughaw. Bumawi ang Team Mark! Buhay pa ang laban ng Bughaw, at may pag-asa pa silang makapasok sa susunod na round. #ItsShowtimeOnline #ItsShowtimeFullEpisode #ABSCBNEntertainment