У нас вы можете посмотреть бесплатно NASAAN NA SI EX BUCOR CHIEF GERALD BANTAG? или скачать в максимальном доступном качестве, видео которое было загружено на ютуб. Для загрузки выберите вариант из формы ниже:
Если кнопки скачивания не
загрузились
НАЖМИТЕ ЗДЕСЬ или обновите страницу
Если возникают проблемы со скачиванием видео, пожалуйста напишите в поддержку по адресу внизу
страницы.
Спасибо за использование сервиса ClipSaver.ru
Mahigpit, mahusay, matigas, matapang, strikto, eksperyensyado, at graduate ng PNPA Kaagapay class ng 1996, siya si Gerald Quitaleg Bantag, ang ikalima at personal na hinirang ni dating Pangulo Rodrigo Roa Duterte na inirekomenda ng kaniyang assistant na si Bong Go bilang Bureau of Correction (BuCor) Director General upang linisin ang matagal ng korapsyon at droga sa loob ng New Bilibid Prison. Napag-alaman din na mahigit sa 1900 bilanggo na may mabibigat na sintensiya ang pinalaya ng dating BuCor Chief na si Nicanor Faeldon, dahil sa tinatawag na Good Conduct Time Allowance (GCTA). Bago pa man itinalaga si Bantag bilang BuCor Chief, kilala na siya ng mga bilanggo dahil sa mga kasong kinasangkutan niya noong siya pa ang warden ng iba't ibang bilangguan. Hindi lang siya basta-bastang warden dahil naging warden siya sa anim na bilangguan kabilang ang Paranaque, Manila, Malabon, Navotas, at Valenzuela. Dahil sa kanyang estilo sa pamamahala, binansagan siyang “Berdugo” ng mga nakakakilala sa kanya sa loob ng sistema ng bilangguan. Pero, naging wanted si Bantag sa batas matapos nitong tumakas at magtago dahil sa pagkakadawit ng kaniyang pangalan sa malaking kontrobersiya sa pagkapaslang sa isang radio journalist at broadcaster na si Percy Lapid. Nasaan na kaya ang tinaguriang Berdugo? Noong 2019, sa kabila ng mga kontrobersiya at mga kasong kinaharap, na-promote pa si Bantag bilang bagong BuCor Chief, papalit sa pababang si Nicanor Faeldon. Ayon kay Pangulong Duterte, ibinaba na sa homicide ang kasong 10 counts of murder na kinakaharap ni Bantag, at dahil wala pang conviction, personal niyang pinili si Bantag bilang bagong BuCor Chief. Nakipag meeting si Bantag kay noo’y Justice Secretary Menardo Guevarra. Ang direktiba ni Guevarra kay Bantag, ayusin ang gulo na nilikha ng Good Conduct Time Allowance o GCTA para sa mga preso, tutukan ang full computerization, at ipatigil ang illegal drug trade sa kulungan. Sa ilalim ng administrasyon ni Duterte, pang-lima na si Bantag na mamumuno sa ahensiyang madalas mabahiran ng korapsyon kaya ang pangulo noon ay nagutos ng Total Revamp sa BuCor. Dahil dito, nagsanib pwersa ang PNP, NBI, PDEA, at AFP o ang tinatawag na NCR Quad Intel Force para sa pagbabantay sa Bilibid matapos palitan ang nasa limang daang tauhan ng BuCor dahil sa hindi matapos tapos na problema sa droga. Makikitang may bitbit pang submachine gun ang bagong BuCor Chief na si Bantag habang nagiikot sa Bilibid dahil sa marami na itong banta sa kaniyang buhay. True Crime Tagalog | Tagalog Crime Stories