У нас вы можете посмотреть бесплатно It’s Showtime October 22, 2025 | Full Episode или скачать в максимальном доступном качестве, видео которое было загружено на ютуб. Для загрузки выберите вариант из формы ниже:
Если кнопки скачивания не
загрузились
НАЖМИТЕ ЗДЕСЬ или обновите страницу
Если возникают проблемы со скачиванием видео, пожалуйста напишите в поддержку по адресу внизу
страницы.
Спасибо за использование сервиса ClipSaver.ru
Kung masakit na ang ulo kakaisip sa problema, ipikit ang mga mata at pahinga ka muna. Magdasal at magtiwala. Kung masakit ang puso dahil iniwan ni jowa na hindi pala pang-forever, come here, tutulungan ka ng “It’s Showtime” na mag-move on. Bitbit nila ang bitamina na sa’yo ay magpapasigla! Vitamin ‘eyyy’ ka muna! Heto naman ang boses na hindi nanghihina. Tinig ni Lyka Estrella, hindi nagkukulang sa vitamins dahil always powerful anuman ang panahon. Isang classic performance ang regalo ng “Tawag Ng Tanghalan” Year 6 champion. “Sapat na ba ang mahalin lang kita magpakailanman…” ‘Yan naman ang kanyang inawit para sa mahal na ina. Hirit ni Jhong Hilario, parang naiyak si Ryan Bang dahil sa lyrics nito. “Sapat” kasi ‘yun, Kuys Jhong, baka iba lang ang pagkakarinig mo! Malinaw naman kay Anne Curtis ang husay ng Lyka, kaya gusto niyang gayahin ang style nito sa pagkanta. Request niya, voice lessons with the champ, para soon ay ma-perform niya na rin ang sikat na sikat na “Golden.” Sanay silang humawak ng pera bilang mga kahero’t kahera. Sana ngayong araw ay makahawak din sila ng malaking halaga pero ‘yung mapupunta na sa sarili nilang mga bulsa. Madlang cashiers ang bumida sa “Laro Laro Pick” game arena. Para naman sa madlang people sa studio, sina Ryan Bang, Lassy, Ion Perez, at Teddy Corpuz ang representative sa laro. Sa kanyang positive energy, mapapalingon ka kay Bibe, na masarap kakuwentuhan. No filter kasi siya sa pagkukuwento tungkol sa mga karanasan bilang cashier, pati na ‘yung minsang nag-short siya ng isang libong piso, na ang hinala niya ay nabiktima siya ng malilikot na kamay ng isang mangungupit. No filter din ang usapan nila ng partner na si Jonathan nang i-reveal nila, face to face, ang mga ‘di nila gusto sa isa’t-isa. May advice si Anne Curtis kung paano patatagin ang relationship. Pabiro namang nagtanong si Vhong Navarro kung ‘bungangera’ ba ang Dyosa. Solid Showtimer ka kung na-gets mo ang joke ni Vhong! Samantala, kung siya ay mananalo, ilalaan ni Bibe ang premyo sa dalawang anak, na ang isa ay may autism. Mahirap maging ina sa isang special child, mabuti na lamang ay katuwang niya si Jonathan. Nakilala rin natin si Rolly, six years nang nagtatrabaho bilang cashier. Kung siya ay mananalo, ang una niyang gagawin ay i-treat si mother to give back sa lahat ng sakripisyo at pagmamahal nito. May problema sa paningin ang ina ni Rolly. Tanggap na niya na hindi ito maooperahan, pero alam niyang may magagawa pa siya para maging masaya at mapabuti ang kalusugan nito. Para sa pag-asang maging champion, dapat piliin ang tamang kahon sa "Illuminate or Eliminate." Sa "It's Giving," ang kategorya ay food products na pinakamadalas na ikonsumo ng mga Pinoy ayon sa isang survey ng Department of Science and Technology. Bawal kabahan sa kantahan, dahil sa “You Gotta Lyric,” OPM hit na “Kaba” ang piyesa. Giant balloons naman ang pinagpilian sa “PILImination” round. Talagang kung para sa’yo ang panalo, walang makakapigil nito. Gusto sana ni Irene na makipagpalit ng pwesto, buti na lang hindi natuloy dahil nasa mga kamay na pala niya ang lucky balloons. Si cashier Irene ang sumabak sa jackpot round ng “Laro Laro Pick” kung saan tapang at tamang desisyon ang kailangan para siya’y magkaroon ng half a million. Yup, P500,000 na ang laman ng POT. Kaya naman si Irene, pinilit tapangan ang sarili, sa una’y POT ang pinili. Dahil malaking tulong ito sa pag-aaral ng mga anak at sa dream business niya. Parang nabigla naman si Irene na kailangan pala niyang magdesisyon agad-agad. Nakakalito nga naman kung alin ang susugalan–Pot ba o Li-Pot? Samantala, parang nabigla rin at nanibago si ‘Dyosa’ Anne Curtis sa kanyang pagbabalik. Ang pasalubong niya, ‘bloopers’ na nakakaaliw at nakakatawa. Hirit tuloy ni Kuys Jhong Hilario sa kanya, “Not listening!” Nag-listen naman si Irene sa bulong ng kanyang puso. Kaya sa huli, P50,000 offer sa Li-Pot ang pinili. Good decision dahil nang basahin ni Kuys Jhong ang question, "Ang Spoliarium ay sikat na awitin ng Eraserheads. Ano naman ang popular full name na gumawa ng sikat na artwork na Spoliarium?" Alam ng anak ni Irene ang tamang sagot–“Juan Luna”–pero hindi naman siya ang naglalaro. Kay Irene pa rin nakasalalay ang pagkapanalo. ‘Yun nga lang, aminado siyang hindi niya alam ang kasagutan, kaya buti na lang tinggap niya ang fifty thousand. Sa nalalapit na pagtatapos ng ikalawang yugto ng Pangkatapatan round ng “Tawag Ng Tanghalan” Year 9, mas humihigpit ang puksaan ng mga mang-aawit na give na give sa laban. Sa hugot niya sa entablado, puso mo’y mapapa-“aww.” Muling inilabas ni Christina Tandogon ng Pangkat Bughaw ang husay niyang ‘halimaw. Sa tanghalan, kinanta niya ang “She’s Gone.” Sabi ni hurado Erik Santos, kailangan ng power para ma-pull off ang piyesa, at meron nito si Christina. #ItsShowtimeOnline #ItsShowtimeFullEpisode #ABSCBNEntertainment