У нас вы можете посмотреть бесплатно MAG-IINA SA LIPA CITY BATANGAS MINASAK3R или скачать в максимальном доступном качестве, видео которое было загружено на ютуб. Для загрузки выберите вариант из формы ниже:
Если кнопки скачивания не
загрузились
НАЖМИТЕ ЗДЕСЬ или обновите страницу
Если возникают проблемы со скачиванием видео, пожалуйста напишите в поддержку по адресу внизу
страницы.
Спасибо за использование сервиса ClipSaver.ru
Tol ang kwento ng bahay na ito ay talagang nakakakilabot. Bahay na puno ng pangarap na napalitan ng bangungot kung saan dito minasak3r ang mag-iinang Arandia. Halos isang daang saksak sa kabuuan ang natamo ng mga ito na hindi mo sukat akalain na bakit pati mga musmos na bata ay hindi pinalampas. Isa pa sa nakakagulat ay ang mismong salarin ay kanila ring kakilala at kapitbahay na minsan na nilang tinulungan. Ano ang nagtulak sa salarin na gawin ang ganitong karumal-dumal na krimen at nakamit ba ng pamilya ang hustisiya? Noong unang bahagi ng 1994, tahimik na namumuhay ang pamilyang Arandia sa Lipa City, Batangas. Si Ronald Arandia ay isang OFW sa Saudi Arabia na nagsusumikap mag-ipon upang maitayo ang kanilang pinapangarap na bagong bahay, habang naiwan sa Pilipinas ang kanyang asawang si Angelina “Helen” Arandia at ang dalawa nilang maliliit na anak na babae na sina Chelsea Liz (6 na taong gulang) at Anne Geleen (4 na taong gulang). Habang si Helen naman ay unti-unting lumago ang negosyong sinimulan na negosyong maisan. Nakapagpatayo na rin ito ng sariling bodega. Samantala, habang maganda ang takbo ng buhay ng pamilyang Arandia, may taong lihim na naiinggit sa kabuhayan ng pamilya na si Elmer Palicpic. Isang matalik na kakilala ng pamilya ang kapitbahay nilang si Elmer, na madalas lumalapit kay Helen para manghiram ng pera. Lihim itong nagmamasid at nakikinig sa anumang paguusap ng mga tao tungkol sa pamilya Arandia. Bagama’t sinikap tulungan siya ng pamilya Arandia, si Elmer ay nabalitang nalulong sa masasamang bisyo tulad ng droga, alak at pagsusugal. Itinago ng mga bisyong ito ang isang pagkainggit at ligalig sa puso ni Elmer – isang kawalang-kontrol na kalauna’y magiging mitsa ng karumal-dumal na krimen. True Crime Tagalog | Tagalog Crime Stories