У нас вы можете посмотреть бесплатно Bilateral Tubal Ligation o Pagpapatali 🥨 или скачать в максимальном доступном качестве, видео которое было загружено на ютуб. Для загрузки выберите вариант из формы ниже:
Если кнопки скачивания не
загрузились
НАЖМИТЕ ЗДЕСЬ или обновите страницу
Если возникают проблемы со скачиванием видео, пожалуйста напишите в поддержку по адресу внизу
страницы.
Спасибо за использование сервиса ClipSaver.ru
https://rh-care.info/ligation — Things to note before getting your tubes tied: Ano pa ang mga dapat nating maunawaan? Ano ang "tali" o "ligate"? Ang tali o ligate ay karaniwang tawag sa Tubal Ligation. Ang Tubal Ligation ay permanenteng pamamaraan ng family planning para sa mga babaeng desididong hindi na magka-anak pa. Ito ay mabisa at simpleng operasyon na ginagawa ng doktor sa loob ng operating room. Binibigyan ng local anesthesia o spinal anesthesia o pampatulog bago isagawa ang operasyon. Sa pamamagitan ng maliit na hiwa sa puson, ang maliit na bahagi ng Fallopian tubes ay tinatali at pinuputol para hindi magtagpo ang semilya ng lalaki at mature egg ng babae tuwing magtatalik. Ang fallopian tubes ay bahagi ng female reproductive system kung saan dumadaan ang egg na galing obaryo patungong matres o uterus. Maaaring gawin ang Postpartum Tubal Ligation malipas ang pitong araw matapos manganak. Ang Interval Tubal Ligation ay maaaring gawin anumang araw makalipas ang anim na linggo pagkapanganak. Tiyakin lamang na hindi buntis ang babae bago ito gawin. Tulad ng ibang simpleng operasyon, makakaranas ng pananakit sa sugat mula tatlo hanggang limang araw. Mahalagang maunawaan ng pasyente ang mga sumusunod bago magbigay ng permiso o consent: Una, ang Tubal Ligation ay operasyon kung saan ang mga benepisyo at risk ay dapat maunawaan. Pangalawa, ang ligation ay permanenteng procedure. Kung dumating ang araw na gusto muli mag-anak, maliit ang chance na maibalik ang inyong kondisyon sa dati. Ikaw ay dapat sumailalim sa mas masusing operasyon, na mangangailangan ng malaking halaga at eksperto. Pangatlo, mayroong mga temporary family planning methods na available kung ikaw ay hindi pa desidido. Para ikaw ay matulungan, kumunsulta sa health professional at bumisita sa https://rh-care.info/providers para sa listahan ng mga health facilities na malapit sa inyong lugar. More Content? Facebook: / rhcareinfo Instagram: / rhcareinfo Twitter: / rhcareinfo #RHCareInfo #SexEducation #Ligation #BilateralTubalLigation #GettingYourTubesTied #FemaleSterilization #ReproductiveHealth #FamilyPlanning #BirthControl