У нас вы можете посмотреть бесплатно ALYAS ASIONG SALONGA ANG HARI NG TONDO или скачать в максимальном доступном качестве, видео которое было загружено на ютуб. Для загрузки выберите вариант из формы ниже:
Если кнопки скачивания не
загрузились
НАЖМИТЕ ЗДЕСЬ или обновите страницу
Если возникают проблемы со скачиванием видео, пожалуйста напишите в поддержку по адресу внизу
страницы.
Спасибо за использование сервиса ClipSaver.ru
Tol kung sa England ay may Thomas Gilbert o Thomas Shelby, dito sa Manila ay mayroon tayong Asiong Salonga. Ang taong tinaguriang Manila Kingpin at Hari ng Tondo. Isa siya sa mga pinaka kinatatakutang gangster sa kasaysayan ng Pilipinas. Sa kanyang panahon, siya ang naging simbolo ng tapang at astig na liderato sa gitna ng magulong mundo ng Maynila. Ang kanyang buhay, puno ng aksyon at karahasan, ay nag-iwan ng malalim na marka sa kultura at kasaysayan ng Pilipinas. Sa kabila ng kanyang reputasyon bilang isang notoryus na gangster, para sa marami, si Asiong Salonga ay naging simbolo ng lakas at katapangan, lalo na sa mga taga-Tondo, kung saan siya itinuring na bayani at alamat. Pero ang kaniyang maalamat na buhay ay magwawakas lamang sa kamay ng kaniyang matalik na kaibigan. Noong October 11, 1924, sa panahon ng kolonyalismo ng Amerika sa Pilipinas, isinilang si Nicasio Rodriguez Salonga o mas kilala sa alyas nitong Asiong. Tinawag din siyang Hitler ng ilan dahil sa natatanging bagsik na katapangan niya. Hindi tiyak kung saan eksaktong lugar siya ipinanganak, ngunit sa kalaunan ay nanirahan siya sa Angustia, isang marahas na kalye sa Tondo, Manila. Sinasabing ang Tondo ang pinakamakapal na kabisera ng Maynila. Kilala rin ang Tondo bilang tahanan ng mga gang, gangsters, o mga hoodlum. Sa mundong ito, araw-araw ang karahasan at kaguluhan, kaya't hindi na nakakagulat na ang batang Asiong ay lumaking tuso, mapanlinlang, at malupit. Bilang isang batang lalaki, agad siyang nakilala sa Angustia sa edad na kinse. Kahit menor de edad, hitik na ang kanyang karanasan sa maling gawain. Pinatunayan niyang siya ay isang mautak at mabangis na gangster, na walang awa sa pagpapatupad ng kanyang kagustuhan. Isa-isa niyang pinabagsak ang mga kalaban na nagnais agawin ang kanyang kapangyarihan, at di nagtagal, naging hari siya ng Angustia. True Crime Tagalog | Tagalog Crime Stories