У нас вы можете посмотреть бесплатно TNT 9: Jay Mark, emosyonal matapos ma-gong | It's Showtime | November 7, 2025 или скачать в максимальном доступном качестве, видео которое было загружено на ютуб. Для загрузки выберите вариант из формы ниже:
Если кнопки скачивания не
загрузились
НАЖМИТЕ ЗДЕСЬ или обновите страницу
Если возникают проблемы со скачиванием видео, пожалуйста напишите в поддержку по адресу внизу
страницы.
Спасибо за использование сервиса ClipSaver.ru
Mahigpit na yakap, Madlang People at Kapamilya, anuman ang inyong pinagdadaanan. Loob ay tibayan. Panalangin ay huwag kalimutan. Yakapin din ang good vibes kasama ang mga members ng marching bands na nakipagkulitan with the “It’s Showtime” hosts sa “Laro Laro Pick” game arena. Ang mga players, dumating in full costumes, with matching feathered headdress na kinatuwaan nina Vice Ganda, Vhong Navarro at Jhong Hilario. Ang isa raw ay galing sa “manok na bakla.” Haha! Si Jazel, ala-Princess Sarah ang awra sa beret niya. Si Lorraine naman, nanlalaban ang pulang kasuotan. Pero kung ang iba’y binonggahan, meron din namang simple lang, parang si Rose, na napagkamalan pang nag-aalok ng gamot. Kinilala rin ng hosts si DJ, na minana pa sa ama ang pagiging miyembro ng musiko. Sample naman diyan, Kuya DJ! Iba naman ang aliw na dala ni Baduts, ang musiko na napagkamalang “drum stick.” Pero dahil sa good vibes na hatid niya, tatlong beses siyang pinasagot ni Meme sa “You Gotta Lyric” at sa bawat tamang lyric, P1,000 ang kapalit. Samantala, ang Gen Z representative ng Madlang People na si Darren Espanto, nakatsamba sa nawawalang liriko. Pero sa dulo, ang heart eye emoji na kailangang mapili, kay Rose tumapat! Ate Rose, POT o Li-POT? Sa jackpot round, naikuwento ni Rose na P20,000 ang kinikita niya sa trabaho sa medical clinic, at ang pagiging lyre player naman sa musiko ay passion lang niya. Kaya dinoble agad ni Vice Ganda ang offer sa Li-POT. Pero determinado si Rose na piliin ang P100,000 POT question, na tungkol sa pangalan ng music icon na nagpe-perform noon kasama ang mga big bands. Siya rin ang tinaguriang “Ol’ Blue Eyes” at “Chairman of the Board.” Ang tamang sagot ay “Frank Sinatra.” Naubos ang limang segundo nang hindi nakakasagot si Rose. Kaya naman wala siyang naiuwing papremyo maliban sa isang libo na ipinamahagi sa bawat manlalaro. Ito ang ang huling pagkakataon upang patunayan ang sarili at makasungkit ng pwesto sa “Hulang Tapatan” sa Sabado. Ang apat na finalists na na-eliminate, nagbalik para rumesbak. Hindi na tinipid pa ni Aaron Lao ang performance niya, singing “Kaloy” by Dilaw. Komento ni Punong Hurado Louie Ocampo, satisfied siya dahil sa wakas ay naramdaman niya ang “gutom” ni Aaron. Dagdag niya, para siyang nanood ng musical play. Nag-ala pop star naman si Leira Ann Reynes, performing Sarah Geronimo’s “Tala.” Bagama’t taglay ni Leira ang husay sa pagkanta, aminado si hurado Erik Santos na hinanap niya ang fighting spirit ng batang mang-aawit. Ginawa niyang halimbawa ang matinding bakbakan nila noon ni Sheryn Regis sa Kapamilya singing competition na “Star In A Million.” Ganitong klaseng laban daw ng hinahanap ni Erik. Kasisimula pa lamang ng kanyang “Nandito Ako” performance, si Jay Mark Cadiwetan, agad nabilangan. Hanggang sa humudyat si Punong Hurado Louie kay “gongbassador” Ryan Bang na hampasin ang gong. Agad niyakap ni Vice Ganda ang emosyonal din na si Jay Mark. Pinalakas niya ang loob nito, assuring him that he gave his all. Sabi pa ni Meme, nasaksihan niya ang tapang ni Jay Mark bilang mang-aawit. Dagdag pa nina hurados Maestro Louie at Marco Sison, nawa’y ang pagkatalong ito ay mas magpatibay pa sa lakas ni Jay Mark na muling lumaban at bumangon. Samantala, natuwa si Maestro Louie sa “Superstar” performance ni Kent Villarba dahil, aniya, for the first time ay napanood niya ang totoong Kent, at hindi ‘yung “kumokopya” sa original singer. Sa dulo ng laban, inanunsyo ni Vice Ganda ang pagkakapanalo ni Aaron sa “Resbakbakan” round. Pero kung akala ng lahat na isa lang ang pwedeng makahabol sa “Huling Tapatan,” inanunsyo ni Meme na pasok na rin si Kent dahil nag-tie sila ni Aaron sa score na 95.3%. Samantala, 90.3% naman ang score ni Leira Ann Reynes, at na-gong naman si Jay Mark Cadiwetan. Kumpleto na ang Top 6 Grand Finalists na maaaring maging susunod na kampeon. Bukod kina Aaron at Kent, nariyan sina Angelica Magno, Lucky Nicole Galindez, Almaerra Recentes, at Jude Albert Tangkion. Abangan ang TNT 9 “Huling Tapatan” bukas, Sabado, November 8. #ItsShowtimeOnline #ItsShowtimeFullEpisode #ABSCBNEntertainment #ShowtimeYakapKapamilya