У нас вы можете посмотреть бесплатно NAZARENO 2025 или скачать в максимальном доступном качестве, видео которое было загружено на ютуб. Для загрузки выберите вариант из формы ниже:
Если кнопки скачивания не
загрузились
НАЖМИТЕ ЗДЕСЬ или обновите страницу
Если возникают проблемы со скачиванием видео, пожалуйста напишите в поддержку по адресу внизу
страницы.
Спасибо за использование сервиса ClipSaver.ru
PARA SA PAGBISITA NG POONG NAZARENO SA BAYAN NG TERESA, RIZAL Viva Nuestro Padre Jesus Nazareno! Isang makasaysayan at puspos ng pananampalatayang pagdiriwang ang muling naganap sa Bayan ng Teresa, Rizal nitong Ika-4, 5, at 6 ng Hulyo, sa pagbibigay-pugay at mainit na pagtanggap ng mga Teresano sa banal na imahe ng Poong Itim na Nazareno. Sa tatlong araw na pananatili ng Mahal na Poong Nazareno sa ating bayan, nag-alab ang puso ng bawat isa sa taimtim na panalangin, pagninilay, at debosyon. Ang pagbisita ng Poong Nazareno ay hindi lamang simpleng tradisyong panrelihiyon kundi isang dakilang biyaya at pagkakataon para sa bayan upang magkaisa sa pananampalataya, humingi ng kapatawaran, at magpasalamat sa mga biyayang tinatanggap araw-araw. Sa bawat hakbang ng prusisyon, sa bawat salita ng panalangin, at sa bawat pag-awit ng “Ama Namin”, dama ang presensya ng Diyos sa ating piling — naghahatid ng pag-asa, kagalingan, at lakas ng loob sa mga dumaranas ng pagsubok. Taos-puso ang pasasalamat ng Pamahalaang Bayan ng Teresa, sa pangunguna ni Mayor Rodel A. Dela Cruz, sa lahat ng mga organisasyon, lingkod bayan, volunteers, religious groups, at mga debotong buong puso at giting na naghandog ng kanilang oras, talento, at serbisyo upang maging mapayapa, matiwasay, at makabuluhan ang pagbisita ng ating Mahal na Poong Hesus Nazareno. Ang makasaysayang araw na ito ay patunay ng malalim na pananampalataya ng mga Teresano — na sa kabila ng mga hamon sa buhay, ang Diyos ay laging kasama natin. Sa puso ng Teresa, Rizal, mananatiling buhay ang pag-ibig sa Diyos at debosyon sa Poong Nazareno. �📍Teresa, Rizal�🗓️ Hulyo 4-6, 2025�#PoongNazarenoSaTeresa�#VivaNazareno�#TeresaSaPananampalataya�#DebotoNgNazareno�#BayanNgPananaligAtPagmamahalan