У нас вы можете посмотреть бесплатно FAITH, Bakit importante at paano ba lumakad ng may pananampalataya. или скачать в максимальном доступном качестве, видео которое было загружено на ютуб. Для загрузки выберите вариант из формы ниже:
Если кнопки скачивания не
загрузились
НАЖМИТЕ ЗДЕСЬ или обновите страницу
Если возникают проблемы со скачиванием видео, пожалуйста напишите в поддержку по адресу внизу
страницы.
Спасибо за использование сервиса ClipSaver.ru
Nagkaron ka na ba ng pagdududa sa Diyos? Nagdududa ka ba kung totoo ba talaga Siya, o kaya nagdududa ka ba kung susunod ka sa pinapagawa ng Diyos sayo patungkol sa iyung marriage? Marahil Gusto mong makatiyak na kung susunod ka ba sa Diyos ay talaga bang irerestore ng Diyos ang iyung marriage, o kaya naman maaaring nagdududa ka na sasagutin ng Diyos ang iyung panalangin para sa pagbabago ng iyung anak, o kaya nagdududa ka na sumunod na gawin ang tama sa iyung negosyo o trabaho kasi iniisip mo kung susunod ka sa Diyos ay baka malugi ka o kapag naging straight na ang mga transakyon mo sa iyung customer at supplier ay hindi ka na kikita, o kaya nagdududa ka ba sa purpose ng Diyos sayo? Kaibigan hindi ko alam kung paano ka nagdududa sa Diyos pero alam ko na kung patuloy mong gagawin yan ay hindi mo nararanasan ang kapangyarihan ng Diyos sa buhay mo. Maaaring kagaya ka ni Tomas na nagdududa sa Panginoong Hesus. Sabi sa Juan 20:25 MBB05 “Kaya't sinabi sa kanya ng ibang mga alagad, “Nakita namin ang Panginoon!” Sumagot si Tomas, “Hindi ako maniniwala hangga't hindi ko nakikita at nahahawakan ang butas ng mga pako sa kanyang mga kamay, at hangga't hindi ko naisusuot ang aking daliri sa mga sugat na iyon at sa kanyang tagiliran.”” Wow kadalasan ay kagaya tayo ni Tomas na nagdududa sa Diyos. Bakit? Kasi Ang mundo natin ay punongpuno ng mga taong negatibo at pagaalinlangan sa mga bagaybagay. Now Bakit nahihirapan na tayong magtiwala? Kasi bihira na ang mga taong nagsasabi ng katotohanan. Normal na sa social media ang pagkalat ng fake news, ganon din sa ating gobyerno, hindi naman lahat pero nagiging normal na sa mga taong may katungkulan na mandaya at corrupt, tapos karamihan sa mga tao ay may kanyakanyang agenda para makapanlamang. At kahit na sa mga nagtuturo ng Salita ng Diyos ay may mga taong hindi malinis ang hangarin kung hindi may agenda na magkamal ng salapi. Kaya nga mapapansin natin na Ang pagsasabi ng totoo ay hindi na pinapahalagahan sa ngayun. Kaya ang resulta tuloy ay kahit sa Diyos ay nagdududa na tayo. Now tignan natin ano bang nangyari kay Tomas. Patuloy ba syang hindi naniniwala sa Panginoong Hesus nung itoy muling nagpakita? Basahin natin kung anong sinabi ng Panginoong Hesus nung itoy nagpakita muli “At sinabi niya kay Tomas, “Tingnan mo ang aking mga kamay. Ilagay mo ang iyong kamay sa aking tagiliran at huwag ka nang mag-alinlangan pa, sa halip ay maniwala ka.” Sumagot si Tomas, “Panginoon ko at Diyos ko!”” Juan 20:27-28 MBB05 Purihin ang Panginoong Hesus dahil hinayaan nito na makita Siya ni Tomas ng personal at dahil dito ay saka pa lamang nanampalataya si Tomas. Pansinin natin kung ano ang pinanampalatayanan ni Tomas sa Panginoong Hesus. Ang sabi nya dyan ay Panginoon ko at Diyos ko. Narealized ko na sa tagal nyang kasama ang Panginoong Hesus na gumagawa ng himala ay hindi pa din siya nananampalataya na ang Panginoong Hesus ay Diyos. At kinailangan pa din nitong magpakita na kaya Niyang buhayin ang Kanyang sarili bago pa siya paniwalaan ni Tomas bilang Diyos. Narealized ko na Naaala marahil ni Tomas ang sinabi ng Panginoong Hesus sa Juan 2:19-21 MBB05 “Sumagot si Jesus, “Gibain ninyo ang Templong ito, at sa loob ng tatlong araw ay muli ko itong itatayo.” Sinabi ng mga pinuno ng Judio, “Apatnapu't anim na taóng ginawa ang Templong ito, at itatayo mo sa loob lamang ng tatlong araw?” Ngunit ang templong tinutukoy ni Jesus ay ang kanyang katawan.” At marahil ay hindi lang si Tomas ang hindi nakaunawa na bubuhaying muli ng Panginoong Hesus ang Kanyang sarili sa loob ng taylong araw. Kaibigan nagdududa ka din ba na ang Panginoong Hesus ay Diyos at mapapagkatiwalaan mo Siya sa iyong buhay. Tignan mo kung ano ang sabi Niya kay Tomas matapos itong manampalataya sa Kanya Sabi sa Juan 20:29 MBB05 “Sinabi sa kanya ni Jesus, “Naniniwala ka na ba dahil nakita mo ako? Mapalad ang mga naniniwala kahit hindi nila ako nakita.”” Kaibigan ayon dito ay mapalad ang mga taong nananampalataya kahit hindi Niya nakita ng personal ang Panginoong Hesus. Mapalad ang mga taong lumalakad sa pananamapalataya at hindi sa nakikita. Kaya ito ang paguusapan natin kung bakit ba importatnte ang pananamapalataya at paano ka lalakad ng may pananamapalataya sa Diyos. Tapusin mo ang mensahe na ito dahil Gusto ng Diyos na lumakas ang iyung pagtitiwala sa Kanya upang ikaw ay mapagpala sa lahat ng area ng buhay mo. Support this ministry: https://wotgonline.com/donate/ Ready to Answer: https://bit.ly/readytoansweryt Message Script: https://bit.ly/FaithScript BACKGROUND MUSIC FROM YOUTUBE AUDIO LIBRARY The Beauty of Love - Artist: Aakash Gandhi / @wotg-wordonthego4673 #karangalanngDiyos #kaluwalhatianngDiyos #tagalogsermon #tagaloginspIrational #tagalogBibleverses #tagalogmotivational #tagalogBiblestudy #tagalogpreaching #wotg #Christianvlog #CCF