У нас вы можете посмотреть бесплатно Aksyon Laban sa Kahirapan - Season 2 – Episode 27 или скачать в максимальном доступном качестве, видео которое было загружено на ютуб. Для загрузки выберите вариант из формы ниже:
Если кнопки скачивания не
загрузились
НАЖМИТЕ ЗДЕСЬ или обновите страницу
Если возникают проблемы со скачиванием видео, пожалуйста напишите в поддержку по адресу внизу
страницы.
Спасибо за использование сервиса ClipSaver.ru
Tampok sa ika-27 na episode ang panayam ni Workers in Informal Sector Council Member Primar Jardeleza sa programang Rise and Shine Pilipinas ng PTV-4. Ibinahagi ni Council Member Jardeleza ang mahahalagang impormasyon ukol sa kung sino ang mga kabilang sa impormal na sektor ng mga manggagawa. Tinalakay din niya ang naging partisipasyon ng sektor sa ginanap na ASEAN Sustainable Development Goals–Social Solidarity Economy Forum 2025 sa Malaysia. Inilahad niya kung sinu-sino ang kanilang mga nakasama sa nasabing forum, isa na dito ang mga kinatawan mula sa mga pambansang ahensya ng pamahalaan, non-governmental organizations, civil society, United Nations bodies, at pribadong sektor. Aniya tinalakay sa naturang forum kung paano makatutulong sa mga bansang kasapi sa ASEAN, lalo na sa mga mahihirap sa pamamagitan ng Social and Solidarity Economy (SSE) framework. Nakatuon ang talakayan sa tinatawag na "5 Ps" ng SSE: People (Tao), Planet (Kalikasan), Purpose (Layunin), Process (Proseso), at Participation (Pakikilahok). Binigyang-diin din ni CM Jardeleza ang adbokasiya ng sektor na maipasa ang Magna Carta for Workers in the Informal Economy, isang panukalang batas na naglalayong bigyan ng proteksyon at pagkilala sa karapatan ng mga manggagawang nasa impormal na sektor. Dagdag pa niya na isinusulong din ng sektor ang pormalisasyon ng impormal na sektor upang higit na mapangalagaan ang kanilang mga karapatan at kapakanan at makilala ang kanilang mahalagang ambag sa ekonomiya ng bansa. #NAPC26 #AksyonLabanSaKahirapan #BagongPilipinas