У нас вы можете посмотреть бесплатно It’s Showtime November 8, 2025 | Full Episode или скачать в максимальном доступном качестве, видео которое было загружено на ютуб. Для загрузки выберите вариант из формы ниже:
Если кнопки скачивания не
загрузились
НАЖМИТЕ ЗДЕСЬ или обновите страницу
Если возникают проблемы со скачиванием видео, пожалуйста напишите в поддержку по адресу внизу
страницы.
Спасибо за использование сервиса ClipSaver.ru
Mga pangarap at talento nila’y hininog na ng panahon. Matapos ang matitinding hamon, anim na Grand Finalists ng “Tawag Ng Tanghalan Ika-9 Na Taon” ang nagharap-harap sa “Huling Tapatan” para sa pagkakataon na maging bagong kampeon. Isa sa anim ang isisilang bilang bagong bituin. Para sila’y kilatisin, nagsanib-pwersa rin ang mga huradong magagaling. Nariyan sina Ogie Alcasid, Nonoy Zuniga, Dingdong Avanzado, Erik Santos, Jed Madela, Nyoy Volante, Yeng Contantino, Mark Bautista, Klarisse De Guzman, Lani Misalucha, Marco Sison at nasa trono bilang Punong Hurado si Maestro Louie Ocampo. Bago pa man magsimula ang bakbakan, ang tumayong ina ng Pangkat Luntian, si Mentor Bituin Escalante, emosyonal na agad, puno ng pride. "Show us that victory is yours. Own that stage," payo ni Bituin, na hinangaan naman ni Vice Ganda sa dedikasyon na igapang ang kanyang grupo. Sabi ni Meme, kahanga-hanga kung paano inilaban ni Bituin ang Pangkat Luntian, na no’ng una’y napag-iwanan hanggang sa bumangon. Agad-agad sinimulan ang bakbakan ng mga tinig. Sa mga video intro ng walong finalists, kinausap nila ang kanilang “younger self.” Ibinahagi ni Almaerra Recentes kung gaano kasakit ang lumaki na walang kinikilalang biological parents, pero ipinaramdam naman ng adoptive parents niya ang tunay na pagmamahal. Full of power ang pagbirit niya ng “And I Am Telling You” ni Jennifer Hudson. “Makalaglag-panga,” kung ilarawan ni hurado Lani Misalucha ang performance. Kung noon ay nanonood lang daw siya ng TNT, hindi makapaniwala si Jude Albert Tangkion na heto na siya sa Huling Tapatan. Pinukaw ni Jude ang emosyon ng manonood as he sang SB19’s “Kapangyarihan.” Tinanong din ni Vice Ganda ang saloobin niya tungkol sa natural disaster na dinanas ng mga Cebuano, bilang may background sa Environmental Science. Hurado Ogie commended Jude for using his voice as an instrument to deliver an important message. Marami nang nalampasan na pagod at self-doubt si 16-year-old grand finalist Angelica Magno. Pero sa araw na ‘to, ibinuhos na niya ang fire sa puso, singing “I See Red.” Komento ni hurado Yeng Constantino, puno ng emosyon ang performance but Angelica was very careful kaya tama lahat ng technicalities. Isa sa natutunan ni Lucky Nicole Galindez from her TNT journey ay hindi araw-araw panalo ang isang tao. Minsan kailangan din bumagsak para bumangon nang mas matibay. Si Lucky ang nakakuha ng unang standing ovation mula sa mga hurados for her performance of the Mariah Carey hit “Emotions.” Komento ni hurado Klarisse de Guzman, OA sa galing si Lucky at niyanig nito ang buong studio. Sa mismong araw ng kanyang kaarawan, hinarap ni Kent Villarba ang pinakamatindi niyang laban sa tanghalan. Hindi lang standing ovation mula sa mga hurados ang natanggap ni Kent for his rendition of Lewis Capaldi’s "Before You Go,” napaiyak din niya si hurado Yeng. Sabi ni hurado Mark Bautista, walang sinayang na oras si Kent habang kumakanta. Kung no’ng una’y takot si Aaron Lao na sumali sa singing competitions, ngayon ay one step away na lang siya from becoming the next TNT champion. Concert level din ang performance ni Aaron, singing Michael Jackson’s “Man In The Mirror.” Ang pinakagusto raw ni hurado Marco Sison kay Aaron is his fighting spirit, ‘yun nga lang ay hinanap niya ang “interpretative performance” na nakasanayan niya rito. Matapos ang pagtatanghal ng walong grand finalists, ang Top 3 na sina Lucky, Kent at Angelica ay umabante sa much-anticipated na Medley round, kung saan aawit sila ng medley ng mga kanta ng napiling icon. Lucky opened the round with a bang! Ariana Grande ang peg ni ‘te! Para sa mga Gen Z with retro soul namanang IV of Spades medley ni Kent. At full-on power ang ipinakita ni Angelica na nag-ala Kelly Clarkson. Sunod namang inanunsyo ang pagbubukas ng online voting dahil may boses din ang Madlang People sa pagpili ng bagong TNT champion. Kalahati ng scores ay manggagaling sa online votes at ang kalahati naman ay galing sa mga hurado. Habang bumoboto ang Madlang People, isang special collab ang handog nina Erik Santos at Angeline Quinto. Inawit nila ang “This Is The Moment,” na winning piece ni Erik noon sa “Star In A Million” at “Patuloy Ang Pangarap” na bahagi naman ng “Star Power” journey ni Angeline. Sa dulo, itinanghal na 3rd placer si Angelica matapos makuha ang 56% ng pinagsamang marka mula sa hurado at boto ng publiko. Nasungkit naman ni Lucky ang ikalawang pwesto sa score na 92%. At ang nagdiriwang ng kaarawan sa araw na ‘to, si Kent, ang itinanghal na bagong kampeon with a total score of 98%. #ItsShowtime #ItsShowtimeFullEpisode #ABSCBNEntertainment