У нас вы можете посмотреть бесплатно Sen. Tulfo, iniutos sa DMW na dagdagan ang pasyente sa OFW Hospital sa Pampanga или скачать в максимальном доступном качестве, видео которое было загружено на ютуб. Для загрузки выберите вариант из формы ниже:
Если кнопки скачивания не
загрузились
НАЖМИТЕ ЗДЕСЬ или обновите страницу
Если возникают проблемы со скачиванием видео, пожалуйста напишите в поддержку по адресу внизу
страницы.
Спасибо за использование сервиса ClipSaver.ru
Ipinag-utos ni Sen. Raffy Tulfo sa Department of Migrant Workers (DMW) na magsundo ng mga pasyente mula sa Metro Manila at kalapit na probinsya nang sa gayon ay mas marami aniyang overseas Filipino workers (OFW) na makapagpapagamot sa OFW Hospital sa San Fernando, Pampanga. Ayon sa Senador, binisita nila ang ospital at natuklasang iilan lamang ang pasyente at nagmistulang ghost town ang buong gusali. Mayroong 200 personnel at 68 inpatient rooms ang naturang ospital pero sa ulat ng DMW nasa walo lang ang pasyente na naka-admit ngayon. Sagot ni Tulfo, kulang ito at gusto niyang mapuno ang ospital ng mga nagpapagamot na OFW. “I want it filled. Kailangan talaga punuin niyo. Sayang eh… Magtawag kayo. Kung kinakailangan sunduin ang mga OFW… Kung kakaunti ang pasyente niyo sa Pampanga, kung kailangan niyong magsundo sa Maynila, Tarlac, sunduin niyo. Punuin niyo. Sayang lang napakaraming kwarto, tapos walo lang sa ngayon ang pasyente niyo,” saad niya. Humingi naman ng paumanhin ang ahensya nang punahin ni Sen. Tulfo ang aniya’y kakulangan sa pagpapakalat ng impormasyon na mayroon ng OFW Hospital dahil marami pa rin ang hindi nakakaalam nito. Binuksan ang ospital noong Mayo ng nakaraang taon. #News5 | via Maeanne Los Baños Follow News5 and stay updated with the latest stories! Facebook: facebook.com/News5Everywhere Twitter: twitter.com/News5PH Instagram: @news5everywhere Tiktok: / news5everywhere Website: news5.com.ph