У нас вы можете посмотреть бесплатно NASAAN NA SI PSUPT MARVIN MARCOS? или скачать в максимальном доступном качестве, видео которое было загружено на ютуб. Для загрузки выберите вариант из формы ниже:
Если кнопки скачивания не
загрузились
НАЖМИТЕ ЗДЕСЬ или обновите страницу
Если возникают проблемы со скачиванием видео, пожалуйста напишите в поддержку по адресу внизу
страницы.
Спасибо за использование сервиса ClipSaver.ru
Noong November 5, 2016, ang dating mayor ng Albuera, Leyte na si Rolando Rosal Espinosa ay pumanaw habang nasa loob ng Baybay City Provincial Jail. Ang dahilan ng kanyang pagkamatay ay nag-ugat sa kanyang pagkakadakip noong Oktubre 2016 dahil sa pagkakasangkot sa ilegal na droga. Ayon sa ulat ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), ang pagpanaw ni Espinosa ay bunga ng isang engkwentro kung saan siya umano ang unang nagpaputok, nang tangkain ng CIDG na maghatid ng search warrant sa kanya habang siya ay nakakulong sa hinala na itinatago nila Rolando ang baril at shabu sa kanyang selda. Ang insidenteng ito ay nangyari sa gitna ng mga paratang na si Rolando ay bahagi ng kalakalan ng droga, isang akusasyon na hinayag ni dating Pangulo Rodrigo Duterte, na naglunsad ng isang kampanya laban sa droga na naglalayong sugpuin ang mga krimen na may kaugnayan sa droga. Ang Commission on Human Rights at ang organisasyong Karapatan ay parehong itinuro si Duterte bilang may pananagutan sa pagkamatay ni Rolando Espinosa, isang pangyayari na kinondena ng Senado bilang isang halimbawa ng extrajudicial killing. Pero sino nga ba ang mga pulis na sangkot dito, nasaan na kaya sila, sila nga kaya’y napakulong? Si Rolando Rosal Espinosa, isang pulitiko sa Pilipinas, ay naging mayor o alkalde ng Albuera, Leyte matapos manalo sa eleksyon noong May 2016. Ang kanyang pangunahing adbokasiya sa kampanya ay ang paglaban sa ilegal na droga. Bago niya pinasok ang mundo ng politika, si Rolando ay may-ari ng tatlong bahay at isang hotel sa Albuera. Ang Philippine National Police ay nagpahayag din na ang kanyang anak, si Rolan "Kerwin" Eslabon Espinosa, ay kasangkot sa ilegal na droga. Noong August 1, 2016, hinamon ni dating pangulo Rodrigo Duterte sina Alkalde Rolando Espinosa at ang kanyang anak na si Kerwin na sumuko sa loob ng 24 oras dahil sa kanilang pagkakasangkot sa kalakalan ng droga at pagkakanlong ng mga drug trafficker, na may banta ng aresto at posibleng kapahamakan kung sila ay lalaban. Dahil dito, si Rolando ay kusang sumuko kay dating PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa sa Camp Crame noong Agosto 2 2016. Inamin niya na ang kanyang anak na si Kerwin ay bahagi nga ng kalakalan ng ilegal na droga sa Eastern Visayas at hinikayat niyang sumuko rin ito, lalo pa't mayroon itong umiiral na warrant of arrest. Gayunpaman, itinanggi ni Rolando na pinondohan ng pera mula sa ilegal na droga ang kanyang kampanya sa eleksyon. Pumayag siyang magpa-drug test, na ipinasa niya, at kanyang isinuko ang sarili sa CIDG ngunit nang siya ay arestuhin, wala pang opisyal na warrant of arrest laban sa kaniya. True Crime Tagalog | Tagalog Crime Stories