У нас вы можете посмотреть бесплатно Patriarchs and Prophets - Chapter 25 - Ang Exodo или скачать в максимальном доступном качестве, видео которое было загружено на ютуб. Для загрузки выберите вариант из формы ниже:
Если кнопки скачивания не
загрузились
НАЖМИТЕ ЗДЕСЬ или обновите страницу
Если возникают проблемы со скачиванием видео, пожалуйста напишите в поддержку по адресу внизу
страницы.
Спасибо за использование сервиса ClipSaver.ru
Ang Dios sa pamamagitan ng Kanyang pagpatnubay ay dinala ang mga Israelita sa napapaligiran ng mga bundok sa harap ng dagat, upang maipakita Niya ang Kanyang kapangyarihan sa pagliligtas sa kanila, at lubhang maibaba ang pagmamataas ng mga nang-aapi sa kanila. Maaari din sanang iniligtas Niya sila sa ibang paraan, subalit pinili Niya ang paraang ito upang subukin ang kanilang pananampalataya at palakasin ang kanilang pagtitiwala sa Kanya. Ang bayan ay pagod at natatakot, gano'n pa man kung sila'y nanatili nang sabihin ni Moises na magpatuloy, maaaring hindi binuksan ng Dios ang landas para sa kanila. Iyon ay "sa pananampalataya" "nagsidaan sila sa gitna ng Dagat na Pula na gaya ng sa lupang tuyo." Hebreo 11:29. Sa kanilang paglusong sa tubig, kanilang ipinakita na kanilang pi- naniniwalaan ang salita ng Dios ayon sa pagkakahayag ni Moises. Ginawa nila ang lahat ng kanilang magagawa, at hinati ng Makapangyarihan ng Israel ang dagat upang magkaroon ng landas para sa kanilang mga paa. Ang dakilang aral na itinuturo rito ay ukol sa lahat ng panahon. Malimit ang buhay Kristiano ay nilulusob ng mga panganib, at ang mga tungkulin ay tila mahirap harapin. Ang isip ay nagbubuo ng nagbabantang pagkapahamak sa harapan at pagkaalipin o kamatayan sa likuran. Gano'n pa man ang tinig ng Dios ay malinaw na nagsasa- bing, "magpatuloy." Kinakailangang tayo ay sumunod sa utos na ito, bagaman hindi makatagos ang ating mga mata sa kadiliman, mada- ma man natin ang malamig na alon sa ating mga paa. Ang mga hadlang na nakaharang sa ating pagsulong ay di kailan man mawa- wala sa isang patigil-tigil at nag-aalinlangang espiritu. Yaong mga nagpapaliban ng pagsunod hanggang ang lahat ng anino ng kawalan ng katiyakan ay mawala at wala nang ano pa mang panganib ng pagkabigo o pagkatalo, ay talagang susunod. Ang di paniniwala ay bumubulong, "Tayo ay maghintay hanggang ang lahat ng mga hadlang ay maalis, at malinaw nating makikita ang ating dadaanan." Subalit ang pananampalataya ay may katapangang ipinipilit ang pagsulong, lahat ay inaasahan, lahat ay pinaniniwalaan. MPMP 341.1 - MPMP 341.3 ======================================== Ellen G White writings are behind the scenes of biblical stories. Narration of tagalog books of Ellen G white. Patriarka at mga Propheta, Patriarchs and Prophets - Chapter 25 - Exodus #Ellenwhiteaudiotagalog #audiobook