У нас вы можете посмотреть бесплатно TULONG NG OWWA SA OFWs, PALALAWAKIN; PONDO, UMABOT SA P21.3B | TV48 STATION или скачать в максимальном доступном качестве, видео которое было загружено на ютуб. Для загрузки выберите вариант из формы ниже:
Если кнопки скачивания не
загрузились
НАЖМИТЕ ЗДЕСЬ или обновите страницу
Если возникают проблемы со скачиванием видео, пожалуйста напишите в поддержку по адресу внизу
страницы.
Спасибо за использование сервиса ClipSaver.ru
TULONG NG OWWA SA OFWs, PALALAWAKIN; PONDO, UMABOT SA P21.3B Lumago pa ang pondong ginagamit ng Overseas Workers Welfare Administration o OWWA para sa mga benepisyo at serbisyong para sa overseas Filipino workers at kanilang pamilya. Sa isang media briefing sa Pasay City nitong Biyernes, sinabi ni OWWA Administrator Patricia Yvonne Caunan na umakyat sa P21.3 bilyon ang trust fund ng ahensya sa pagtatapos ng 2025. Ito ay mula sa P20.3 bilyon noong Disyembre 2024, kaya may P1 bilyon na nadagdag. Tumaas din ang bilang ng mga miyembro ng OWWA mula 2 milyon noong 2024 hanggang 2.6 milyon noong 2025, o may dagdag na 600,000 OFWs. Ayon kay Caunan, ang paglago ng trust fund ay bunga ng tapat at transparent na pamamahala ng OWWA sa pondo nito. Dagdag pa niya, mas dumami ang OFW na nagtitiwala at sumasali sa OWWA dahil nakikita nila itong katuwang sa kanilang pangangailangan at sa paghahanda sa kanilang buhay pagbalik sa Pilipinas. Dahil sa pagtaas ng pondo at membership, sinabi ni Caunan na palalawakin pa ang serbisyo ng OWWA sa ilalim ng programang “Alagang OWWA.” Kabilang sa mga inisyatiba ang pagbubukas ng OFW Lounges, pagtatatag ng Seafarer Welfare Center, at pagpapalakas ng mga regional office na may libreng klinika at botika. Pinalawak din ang mga global center ng OWWA sa Hong Kong at Taipei na nagbibigay ng legal assistance, serbisyong pangkalusugan, at mga programang pang-upskilling para sa mga OFW. Kasama rin sa mga programa ang OFW Serbisyo Caravans kasama ang Department of Migrant Workers (DMW) at iba pang ahensya ng gobyerno tulad ng LTO, SSS, at PSA, upang mailapit ang mga serbisyo at mapadali ang pagkuha ng mga dokumento at iba pang pangangailangan ng mga OFW. Samantala, inanunsyo rin ni Caunan ang dagdag na 10,000 scholarship slots para sa mga anak ng OFWs, bukod sa kasalukuyang 15,000 slots. Tinaas din ang income limit ng scholarship eligibility mula USD 600 hanggang USD 1,000 monthly household income upang mas maraming pamilya ang makasali sa programa. Para naman sa mga nais mag-training at mag-upskill, may upskilling at livelihood programs din ang OWWA na may training allowance na maaaring umabot sa P10,000 kada buwan. Dagdag pa ng OWWA, palalakasin din ang 1348 hotline sa pamamagitan ng pagdaragdag ng mas maraming trained personnel upang mas mabilis na matugunan ang concerns ng OFWs at kanilang pamilya. Gayunman, naglabas ng saloobin ang ilang netizens kaugnay sa aktwal na pagkuha ng benepisyo at proseso ng aplikasyon. Ayon kay Albert Pagaduan Pactao, maraming benepisyo ang naibabalita para sa mga OFW ngunit kapag mag-aapply na umano ay “mas masahol pa sa butas ng karayom ang dadaanan bago maka-claim.” Dagdag naman ni Ex Plo Rer, dahil marami ang OFW, posibleng may limit ang makaka-avail, at mas makakatulong umano kung mas maraming OFW na may anak sa kolehiyo ang mabibigyan ng scholarship. Samantala, nagtanong si Madel Navarro Gayla kung paano mag-aapply ng scholarship at umaasang mas mapapadali ito kung magkakaroon ng paraan ng aplikasyon sa mga bayan upang hindi na mahirapan ang mga aplikante. Ayon naman kay Riza Santos, “pili lang” umano ang nakaka-avail at mas mainam kung mas maraming OFW parents na may anak na nag-aaral ang makinabang. Ibinahagi rin niya na marami raw requirements ang hinihingi ngunit may pagkakataong hindi rin naaaprubahan ang aplikasyon. #balitangunangsigaw #tv48station #nuevaecija #news