У нас вы можете посмотреть бесплатно Tagalog Audio Bibliya | Job (KUMPLETO) | Ang Salita ng Dios (ASND) или скачать в максимальном доступном качестве, видео которое было загружено на ютуб. Для загрузки выберите вариант из формы ниже:
Если кнопки скачивания не
загрузились
НАЖМИТЕ ЗДЕСЬ или обновите страницу
Если возникают проблемы со скачиванием видео, пожалуйста напишите в поддержку по адресу внизу
страницы.
Спасибо за использование сервиса ClipSaver.ru
Sa simula ng aklat ng Job ay isang eksena sa langit kung saan si Satanas ay nakatayo sa harap ng Diyos. Tinanong ng Diyos si Satanas, "Naisip mo ba ang aking lingkod na si Job?" (Job 1:8), at agad na inakusahan ni Satanas si Job, isang matuwid na tao, na may takot sa Diyos dahil lamang sa pagpapaunlad sa kanya ng Diyos. “Saktan mo ang lahat ng mayroon siya,” sabi ni Satanas, “at tiyak na isusumpa ka niya nang harapan” (Job 1:11). Binigyan ng Diyos si Satanas ng limitadong pahintulot na ilagay si Job sa pagsubok. Bakit naghihirap ang matuwid? Ito ang tanong na ibinangon matapos mawala ni Job ang kanyang pamilya, ang kanyang kayamanan, at ang kanyang kalusugan. Ang tatlong kaibigan ni Job na sina Elipaz, Bildad, at Zopar, ay dumating upang “aliwin” siya at upang talakayin ang kaniyang mabagsik na serye ng mga trahedya. Iginigiit nila na ang kanyang pagdurusa ay parusa para sa kasalanan sa kanyang buhay. Gayunman, si Job ay nananatiling tapat sa Diyos sa lahat ng ito at ipinagtanggol na ang kanyang buhay ay hindi kasalanan. Ang ikaapat na lalaki, si Elihu, ay nagsabi kay Job na kailangan niyang magpakumbaba at magpasakop sa paggamit ng Diyos ng mga pagsubok upang dalisayin ang kanyang buhay. Sa wakas, kinuwestyon ni Job ang Diyos Mismo at natuto ng mahahalagang aral tungkol sa soberanya ng Diyos at ang kanyang pangangailangan na lubos na magtiwala sa Panginoon. Si Job ay naibalik sa kalusugan, kaligayahan, at kasaganaan na higit pa sa dati niyang kalagayan. ------------------------------------------------------------------- 🚩Please Subscribe If you like this Video. Ipagdadasal kita. Pagpalain ka ng Diyos~ #audiobible #tagalogbible #asnd #job