У нас вы можете посмотреть бесплатно KontraGaPi – Gong at Ritmo : Matitiis mo ba ang Paghihirap ng iyong Kapwa? или скачать в максимальном доступном качестве, видео которое было загружено на ютуб. Для загрузки выберите вариант из формы ниже:
Если кнопки скачивания не
загрузились
НАЖМИТЕ ЗДЕСЬ или обновите страницу
Если возникают проблемы со скачиванием видео, пожалуйста напишите в поддержку по адресу внизу
страницы.
Спасибо за использование сервиса ClipSaver.ru
Gong at Ritmo Ang KONTEMPORARYONG GAMELAN PILIPINO ay itinatag upang magpalaganap ng isang uri ng musika na nagmumula sa tao at para sa taong bayan. Sa paglikha ng orihinal na tugtugin, itinampok ng KONTRA-GAPI ang ating pagka-Pilipino sa pagtunton sa mga ugat ng ating musika at sa paggamit ng mga instrumento sa istrukturang katutubo sa ating bansa at sa Timog Silangang Asya. Sa pamamahala ni Edru Abraham ng Departamento ng Aralin sa Sining ng Kolehiyo ng Arte at Literatura sa Unibersidad ng Pilipinas, nakahubog ang pangkat ng sariling himig, na kinilala nang sila ang naglapat ng musika sa matagumpay na "Isang Dulang Panaginip" ng Dulaang UP noong Hulyo 1989. Ayon sa dalubhasa at karaniwan mang nakapanood sa pagtatanghal, kapansin-pansin, kakaiba at namumukod ang kinalabasan ng musika sa dulang ito. Hindi pa man natatapos ang pagpapalabas sa dula ay nagkaroon na ng ilang paanyaya na sila'y magtanghal. Sa pagpapasiglang ito at sa mga kahilingan at mungkahi ng mga nakapakinig, nabuo ang Kontemporaryong Gamelan Pillpino. Una itong nagtanghal ng isang buong konsiyerto sa Heritage Arts Center sa Lungsod Quezon noong Agosto 12, 1989. Pagkaraan nito, sunod-sunod na ang mga paanyaya sa grupo. Napalaganap ng KONTRA-GAPI ang prinsipyo nito na bawat indibidwal ay malikhain at may papel na ginagampanan bilang kasapi ng isang komunidad, na ang paglikha ng musika ay kaya ng lahat at hindi pribilehiyo ng ilang "eksperto" lamang. Naging daan ito upang matuto at umunlad ang bawat kasapi sa pamamagitan ng pagtutulungan sa pamamatnubay ng isang gabay. Ngunit higit sa lahat, ipinarating ng KONTRA-GAPI na hindi dapat magpagapi sa paniwalang ang kagalingan ay nagmumula lamang sa kanluran. Ang KONTRA-GAPI ay nagbibigay ng alternatibong musika na makatao, maka-Pilipino at mapagpalaya. MGA KASAMA SA PAGLIKHA Unang inirekord sa isteryo sa Thirdline Studio nina BETTA at BUTCH DANS, sa pag sawnd injinir ni ROBIN RIVERA. Pinulido sa FX Recording Studio-Makati sa pamamahala ni FRED GARCIA. Dinagdagan ng Traks sa ilang kats at faynal miksing sa Circle of Fifths Recording Studio nina JIM at LYDIA PAREDES sa pag-aruga ni BENJIE SENGSON Minaster sa EJL Recording Studio nina ANNABELLE at ERIC LAVA sa tulong ni JOHNNY SANTOS. Larawan mula kay ROWEN CANLAS, Kover Artwork ni SARAH V. DAZA. Dagdag na guhit at disenyo ng jaket at dekais ni NOE TIO. Edru Abraham - Nagtatag at Lider Mga MANUNUGTOG RYAN Abrecea ANNE Adona KATS Belen LOVE Bordeos LEO Castro MITCH Cea AIMEE Compuesto ORLAN de Guzman MOEL Diaz EGZ Fermandez JANETH Femandez MINI Gavino ALLAN Hernandez CARYL Henson ROLAN Licudine MYLENE Mamaril HAYA Mercano HAZEL Mercano JONALD Morales MERNIE Olano DEBBIE Perez MARU Quiwa RIVAH Singson RUBI Singson BETH Vetonio VAL Villaruz Kredits : Boses ni Astarte Abraham