У нас вы можете посмотреть бесплатно Ang Pagkapari ni Melquizedek at ang Pinakapunong Pari | Church of God или скачать в максимальном доступном качестве, видео которое было загружено на ютуб. Для загрузки выберите вариант из формы ниже:
Если кнопки скачивания не
загрузились
НАЖМИТЕ ЗДЕСЬ или обновите страницу
Если возникают проблемы со скачиванием видео, пожалуйста напишите в поддержку по адресу внизу
страницы.
Спасибо за использование сервиса ClipSaver.ru
Si Jesu-Cristo Ay ang Pinakapunong Pari na Nagsasagawa ng Handog ng Bagong Tipan Ayon sa Pagkapari ni Melquizedek Ang dahilan kung bakit naging Pinakapunong Pari si Jesus magpakailanman sa pagkapari ni Melquizedek ay dahil sa panahong ito, umiiral ang Paskuwa ng bagong tipan na dapat Niyang isagawa bilang Pari. Gaya nang binasbasan ni Melquizedek si Abraham sa pamamagitan ng tinapay at alak sa panahon ng Lumang Tipan, pinagkalooban ni Jesus ang sangkatauhan ng pagpapala na buhay na walang hanggan sa pamamagitan ng tinapay at alak. Ang mga Miyembro ng Church of God Ay Sumusunod sa Landas ni Cristo Ahnsahnghong, na Dumating Ayon sa Pagkapari ni Melquizedek Gaya ni Jesus, ang Ikalawang Pagdating na Cristo Ahnsahnghong ay naglingkod din bilang Pinakapunong Pari ayon sa pagkapari ni Melquizedek, na nagkakaloob ng pagpapala na buhay na walang hanggan sa pamamagitan ng tinapay at alak ng Paskuwa ng bagong tipan. Sa panahong ito, tanging ang mga sumusunod sa pagkapari ni Melquizedek ng bagong tipan, hindi ang pagkapari ni Aaron mula sa lumang tipan, ang maaaring maging mga anak ng pangako na magmamana ng pangako ng Diyos. Hebrews 6:17–20 Gayundin naman, sa pagnanais ng Diyos na maipakita sa mga tagapagmana ng pangako na hindi maaaring mabago ang kanyang pasiya, pinagtibay niya ito sa pamamagitan ng isang sumpa ... na doo’y naunang pumasok para sa atin si Jesus, na naging pinakapunong pari magpakailanman ayon sa pagkapari ni Melquizedek. Ephesians 3:6 na ang mga Hentil ay mga kapwa tagapagmana, at mga bahagi ng iisang katawan, at mga kabahagi sa pangako kay Cristo Jesus sa pamamagitan ng ebanghelyo. [Ang karapatang-ari ng video na ito ay nasa Iglesya ng Diyos, Samahan ng Pandaigdigang Misyon. Ipinagbabawal ang pagkopya, pamamahagi, o pagpapadala ng video na ito sa ano mang anyo o sa ano mang paraan nang walang pahintulot.] 〖World Mission Society Church of God〗https://watv.org 〖 Philippines 〗 https://phwmscog.com 〖WATV Media Cast〗 https://watvmedia.org/fil