У нас вы можете посмотреть бесплатно Kim, napa-throwback sa BAWAL LUMABAS era или скачать в максимальном доступном качестве, видео которое было загружено на ютуб. Для загрузки выберите вариант из формы ниже:
Если кнопки скачивания не
загрузились
НАЖМИТЕ ЗДЕСЬ или обновите страницу
Если возникают проблемы со скачиванием видео, пожалуйста напишите в поддержку по адресу внизу
страницы.
Спасибо за использование сервиса ClipSaver.ru
Nagkatuwaan ang "It's Showtime" family at ginawa ang iba't ibang sayaw na uso sa social media katulad ng 'Gameboy'. Trending moves ba kamo? Hindi pa rin nawawala sa 'algo' ang 'Maui Wowie' ni Darren Espanto, na game pang nangtanggal ng polo para pakitaan tayo ng moves na hot parang siling labuyo. At para makaganti sa pang-aasar ni Kim Chiu, binalikan ni Darren ang 'Bawal Lumabas' era ng kanyang bestie. Ang goal natin this 2026 ay 'QUALITY.' Biro nga ni Vice Ganda, dapat ang 'panlalait' ay quality rin o 'yun bang tumatagos talaga. Case in point: ang sunod-sunod na punchline niya patungkol kay Lassy! Unang subject ni Vice ang floral polo shirt ni Lassy, na pinagmukhang "mausoleo na hindi nalinis" ang kanyang kaibigan. Sunod niyang napansin ang micro-bangs ni Lassy a la Kaila Estrada, kaya humirit si Meme, "Mas kamukha mo 'yung tiyanak, 'yung unang anak ni Janice [de Belen]!" Mga taga-Navotas ang sumabak sa 'Laro Laro Pick.' Pagkatapos ng kulitan, si Meme, nalungkot naman dahil maraming 'naligwak' sa 'It's Giving' round. Sa huli, si Ion Perez ang umabante sa jackpot round. Pero ang paglalaro niya ay para pa rin sa isang eliminated madlang player na nabunot, si Vergel. Samahan natin sina hurados Sofronio Vasquez at Marielle Montellano at Punong Hurado Louie Ocampo sa pagkilatis ng dalawang mang-aawit mula Region I sa ‘Tawag Ng Tanghalan.’ Nagpakitang-gilas ang unang pambato ng Pangasinan, si Patricio, na mapusong inawit ang "Goodbye" ng Air Supply. Mula rin sa Pangasinan ang karpinterong si Junner, na swabe naman ang atake sa "Di Na Natuto" ni Gary Valenciano. Ikinuwento ni Ogie Alcasid na si Junner ay anak ni Eva Castillo, ang mang-aawit na naging mahigpit na katunggali noon ni Regine Velasquez sa mga amateur singing contests. Nagpaabot pa nga raw ng mensahe ang Asia’s Songbird para kay Junner. Sa dulo, si Patricio ang nanalo sa score na 91% laban sa 88.3% ni Junner. #ItsShowtime #ABSCBNEntertainment #ShowtimeNCRegionalFinals